Ang nakaraan… Imperial Mafia “Ugh!” napasigaw na lang si Livia habang pumapadyak ang paa sa kama dahil naiinip na siya sa kanyang kalagayan. “Naigagalaw ko naman na ang braso ko! P’wede na ba akong makalayas sa kwartong ‘to?” reklamo niya sa nurse na kasalukuyang nililinis at pinapalitan ang benda sa braso niya. “Pasensya ka na, Miss Livia pero ang bilin sa amin ni Sir Brendan ay hindi ka pa makakalabas sa mansyon. Wala kang magagawa kundi ang manatili muna sa kwartong ‘to. Iyon din ang gusto ng ‘yong Ama.” “Ang boring na talaga!” angal niya at napabuntong-hininga na lang ang nurse. Pagkatapos ng nurse ay iniwan na siya. Muli siyang mag-isa sa kwarto. Napahalakhak na lang siya na parang nasisiraan na ng utak ngunit kahit nasa loob lang siya ng kwarto, kumikilos pa rin ang mga tauh

