Milan, Italy Pagpasok sa loob ng kwarto ay natagpuan niya na lang si Mortem na nag-iimpake na ng kanilang mga gamit. “We’ll be leaving this country. Hindi na tayo tutuloy para makipagkita pa sa Gem Mafia,” aniya habang kinukuha na ang bag nila na nilagay sa cabinet. “Mortem! Ano ba, tumigil ka nga!” pagpigil niya sa asawa. Napahinto na lang si Mortem upang tignan na si Amira. “Bakit? Kaya ba gustong-gusto mong matuloy rito sa Italy para makipagkita rin kay Brendan, ha?” singhal niya. “Of course not!” Tuluyang binitawan ni Mortem ang hawak-hawak niya upang lapitan na ang asawa. “Dapat talaga pinatay ko na lang siya noon pa kung ganito rin pala ang mangyayari,” aniya at nakatanggap na lang bigla nang sampal kay Amira na hindi niya naman inaasahan. “Amira—” paghawak niya sa kanyang p

