Part 1 – Revelation Nang makababa na sa eroplano si Amira at Mortem ay sinalubong na sila ni Kane, Wilder, Ryker, at Daem. Ang mga asawa nila ay nasa meeting room na ng Throne Palace kasama si Tim, maliban lang kay Rara na nanatili sa mansyon para bantayan ang anak nila ni Daem. Nakahanda na rin ang mga tesla na sasakyan nila para makarating agad sa Viner. “Sumuko na si Dr. Orata,” ani Wilder nang makalapit sa kanila. Pagkatapos matanggap ang tawag ni Jasper. “Binabantayan siya ngayon nila Jasper at Anna.” “Kung gano’n, kami na lang ni Mortem ang pupunta sa Viner. Hintayin n’yo na lang kami sa Throne Palace,” tugon ni Amira. Napatango na lang sila at nagkanya-kanya ng landas. Papunta na rin sa Viner ang mga tauhan nila Amira at Mortem sa Inferno Gang, ayon sa utos ni Mortem. Nakaha

