Training of different (Mafia’s) Kung nag-eensayo ang Elite Gang at Santo Ria Mafia. Puspusan na rin ang pag-eensayo ng iba’t ibang Mafia na makakalaban nila sa darating na kompetisyon sa Mafia University. Ito ang Talifa, Arazona, Mckinley, Deus, Falco, at iba pang Mafia. Silang lima lang ang mas kilala at pinasama sa ibang grupo para sa training. Talifa Mafia “George,” pagtawag ni Beige sa kanyang kapatid. Napalingon naman sa kanya si George at bahagyang itinaas ang iniinom na wine na parang niyaya niya itong samahan siya na uminom. “Yeah, why?” aniya. Gabi na sa bansa nila, buong araw din ay nag-ensayo lang sila kasama ang ibang Mafia na pina-grupo sa kanila. Ngayon ay nasa terrace sila ng kanilang mansyon, hindi makatulog si George kaya naisipan niya munang uminom habang si B

