Fallen Angel Gang (Mansion) Kung saan palaging nagsasama sa gabi si Kane at Zurikka noong mga panahon na sikreto pa ang kanilang relasyon ay ngayon naging tahanan na nila. Ang kanilang mansyon ay malapit sa lawa, pina-renovate na lang ito para lumawak ang espasyo ng bahay. Nang maipanganak ni Zurikka si Gabriel, mas sumaya sa loob ng tahanan dahil tatlo na silang namumuhay roon kasama ang dalawang katulong at ilang tauhan na nagbabantay sa paligid. Nagising na lamang si Kane sa walang tigil na pag-alarm ng phone ni Zurikka. Inabot niya ang phone na nasa gilid ni Zurikka at kaagad itong pinindot para matahimik saka ibinalik din agad sa side table. “Love, wake up,” at marahang tinapik ang pisngi ng asawa. “Hmm, ayoko pa…” walang buhay na sambit ni Zurikka dahil inaantok pa siya. Na

