Viner (Mansion) Kinabukasan, dala ng pag-aalala maagang nagising si Anna upang i-check na ang kalagayan ni Philip. Matapos maghilamos ay lumabas na siya sa kanyang kwarto at nagtungo muna sa kwarto ng lalaki. Nais niyang malaman kung nabubuksan na ba ito o hindi dahil kung hindi pa rin ay kukunin niya na ang susi mula kay Simon na may hawak ng mga susi nila para mabuksan na ang kwarto ni Philip dahil alam niyang may tinatago na sa kanya ang lalaki. Hindi niya na p’wedeng hayaan si Philip. Nang pihitin ang door knob ay hindi pa rin mabuksan ni Anna kaya nagtungo na siya sa kwarto ni Simon para ito’y gambalain na sa pagtulog. Kumatok muna siya at ilang segundo lang ay bumukas na ang pinto. “Gising ka na pala,” ani Anna. “Ah, yeah. Pupunta ulit ako sa bahay nila Yumi. Bakit nga pa

