Viner (Mansion) 9 PM Bago pumasok sa loob ay kumatok muna si Anna sa pinto ng kwarto ni Visca. Siya na ang nagdala ng pagkain dahil hindi ito bumaba para saluhan sila sa hapag-kainan. “Visca, this is Anna. Papasok ako, ha? May dala akong pagkain,” aniya at pinihit na ang door knob. Pagpasok niya sa loob ay tumambad na lang si Visca na kakabangon lang sa pagkakahiga. Sa nakikita niya ngayon ay parang may sakit ang babae dahil sa maputla nitong labi at ang namamaga nitong mga mata na parang umiyak lang nang umiyak hanggang sa maubos ito at wala nang mailabas. Ngunit, may ibubuga pa yata ang kanyang nararamdaman. “Hi,” malumanay niyang sabi at nilapitan na si Visca. “Kumain ka muna,” dagdag niya nang mailapag na ang wooden tray na naglalaman ng pagkain. Napatingin doon si Visca, til

