Viner Kasalukuyang inaayusan ng mga katulong ang dalawang babae. Habang ang mga lalaki ay mag-isang inayusan ang sarili. Malapit na silang matapos. Si Demone at Jasper ay nauna, naghihintay na sa sala. Naka-maroon suit at sapatos si Demone. Samantalang si Jasper ay naka-navy blue suit without a tie at itim na sapatos. Pagkatapos tawagan ni Aeron si Roze ay sinuot niya na ang black overcoat na nakapatong sa kama. He’s wearing a white long sleeve polo on the inside. His overcoat was black partnered in black trousers and shoes. Si Philip at Simon ay naka-white tuxedo, pababa na sila. “Sinong ka-date mo?” naitanong naman ni Jasper. Nakaupo siya at naka-dekwatro sa sofa. Samantalang si Demone ay nakatayo, ang mga mata niya ay nakatuon sa hagdan. Hinihintay ang iba pang mga kasama. “Hula

