Philippines “Mamaya na ang alis mo, Aeron. Nagawan ko na nang paraan para makahabol ka sa misyon nila sa Japan,” ani Dethro habang sila ay kumakain ng agahan. Hindi na nakasabay si Sandra sa kanila dahil may inasikaso pa ito. Mamayang gabi na nila ito makakasama. Napatingin naman si Iza at Demone na nakakunot ang noo kay Aeron maliban kay Visca na alam na ang mangyayari. “Anong meron?” tanong ni Demone. “Kagabi nakatanggap ako ng tawag mula kay Sir Kane,” panimula ni Aeron. “Hindi makakasama sa misyon si Yumi gawa ng nagkasakit siya kaya ako ang papalit sa kanya.” “Sinabihan din ako ng Reyna n’yo kaya may pahintulot na siyang umalis,” dagdag ni Dethro. “Walang problema sa ‘kin, kayo ba?” ani Visca pagbaling ng tingin kay Iza at Demone. “It’s fine. You should go Aeron. Mas kail

