Part 1 - Mission Japan Tanghali na nang magising ang tatlo dahil nag-ensayo lang sila magdamag pagkaalis nila Yumi. Dagdag pa ang balita ni Simon na parating si Aeron kaya nagkaroon din sila ng motibasyon na tapusin ang misyon. Nagustuhan ‘yon ni Jasper at Simon dahil may makakasama sila, lalaki pa. Ngunit si Roze hindi naman maipinta ang reaks’yon. Pagdating sa dining hall ay pinapak na nila ang mga pagkain na nakahanda sa lamesa. Kasama na nila ang butler at habang kumakain ay ipinaliwanag na nito ang mangyayari mamayang gabi. “Hindi man lang natin hihintayin si Aeron?” tanong ni Roze nang mapahinto sa pag-kain. Napataas ang kilay ni Jasper. “Ikaw, ah. Crush mo si Aeron, noh?” pang-aasar nito. Tila nabilaukan si Roze. Inabutan naman siya ng tubig ni Simon. “Excuse me?” aniya ma

