CHAPTER 7

1511 Words
Kasabay nang pagtunog ng kampana mula sa tower hudyat na hatinggabi na ay ang pagsabog naman na nanggaling mula sa Open Area. Bakas ang usok nito sa kabuoan ng Mafia Island. Nang marinig nila ito ay dali-daling kumilos ang mga Mafia Boss at kanilang mga tauhan para magtungo sa Open area. “Bakit nagkaroon na naman ng pagsabog sa Open area?” hindi makapaniwalang sabi ni Amira habang nakamasid sa paligid. “Déjà vu, baby,” tugon ni Mortem habang naka-focus sa pagmamaneho. Tila bumabalik na naman ang nakaraan na ayaw ng maulit ni Amira at Mortem. “Imperial Mafia,” ani Amira at nilabas niya na ang kanyang cellphone upang tawagan si Ryker.   -On call- “Paano nangyari ‘to, Ryker?” bungad sa kanya ni Amira. “I don’t know, Amira. I f*****g don’t know, alam kong may nagbabantay ro’n.” “May nakapasok na naman bang spy sa Isla?” “Lahat ng tao dumadaan sa akin, kay Daem, at Kane. Imposible na mayroon pang makakapasok na spy rito. That’s bullshit, you know? Baka ibang tao na ang masisisi ko,” bakas din sa boses ni Ryker ang frustration. “Calm down,” narinig naman ni Amira ang boses ni Fairoze sa kabilang linya. Mukhang papunta na rin sila sa Open area. “Let’s just talk about this later. Malapit na kami, magsi-handa kayo.” -End call-   Bago pa man makababa si Amira at Mortem ay naghalikan muna sila. Pagbaba nila ay nandilim na lamang ang mga mata ni Amira nang masilayan ang kanilang mga tauhan na naliligo na sa sarili nilang mga dugo. Muli niyang naramdaman ang poot sa puso, ayaw niyang may namamatay sa Isla niya. “Well…Well…Well…” dinig ang takong ni Livia nang magpakita na siya sa harap ni Amira at Mortem. “It’s nice to see you, Queen Amira,” may ngiti sa labi niya. “Livia Imperial,” may diin na sambit ni Amira. Hinawakan naman ni Mortem ang nakakuyom na kamay ni Amira, sa paraan niyang ‘to ay napapakalma niya na si Amira. Napangisi na lamang si Livia nang mapansin ang ginawa ni Mortem at kaagad ding ibinalik ang tingin kay Amira. “Anong kailangan ng isang Imperial dito?” tuluyan nang nagsalita si Mortem, nakatingin na siya sa mga mata ni Livia na parang pinapatay na ito sa titig niya. Nakarating na rin ang iba. Si Ibbie at Wilder na nakahanda na ang hawak-hawak nilang dagger sa magkabilang-kamay. Si Fairoze na nasa loob lang ng sasakyan, nakamasid sa paligid gamit ang binoculars na dala niya habang ang asawa niya na si Ryker ay tuluyan nang bumaba para makita ang kasalukuyang nangyayari. Si Rara at Daem ay nakatutok na ang baril sa mga tauhan ni Livia, gano’n din si Kane at Zurikka na handa ng pumatay. Ang mga tauhan naman nila ay handa na rin sa signal ni Amira. Pinalilibutan na nila ang Imperial Mafia. “I’m just repeating the history, Mortem,” at muling sumilay ang ngiti sa labi ni Livia kasabay nang pagdila niya sa labi niya. “Hindi ako natatakot sa’yo, mas gugustuhin ko pang makasama ka sa kama—” “f*****g b***h,” sabad ni Amira at inilabas na ang baril niya at itinutok ito kay Livia. “Nagpunta ka lang ba rito para magpapansin, ha!” sigaw niya. “Gusto mo bang malaman kung bakit ako nandito?” sa isang iglap ay nasa harap na ni Mortem si Livia. Para itong hangin, ang bilis kumilos. Isang hakbang na lang ang pagitan nila sa isa’t isa. Hindi nila namataan ang paggalaw ni Livia. “What will you do now, Mortem?” tumingkayad siya. Nanlaki na lamang ang mga mata ni Mortem nang dumampi ang labi ni Livia sa labi niya. Lahat ay nasorpresa sa nangyari, hindi kaagad nakakilos si Amira. Hanggang sa nakalayo na si Livia sa kanila na nagpamulat kay Amira. Walang habas niyang binaril si Livia kung saan tumama ito sa braso dahilan para mapasigaw si Livia at muling napalingon sa kanila. Imbis na magpaulan na ng bala ang mga tauhan ni Livia ay pinigilan niya naman ang mga ito. Hindi p’wedeng masira ang plano nila kaya papalampasin niya ang ginawa ni Amira. Nagpunta lang talaga siya rito para gambalain si Mortem. “Pasalamat ka hindi kita tinuluyan sa ulo,” ramdam sa bawat salita ni Amira ang galit. “Kung magpapaka-ahas ka sa buhay namin ni Mortem, itigil mo na dahil ako mismo ang papatay sa’yo.” Tuluyan nang napahalakhak si Livia, wala man lang pakialam sa duguan niyang braso. “Hihintayin ko ang araw na ‘yan, Amira,” at tumalikod na ulit siya kasabay nang mga tauhan niya para alalayan siya. Napatingala na lamang si Amira nang makalipad na ang eroplano sa himpapawid. “Baby—” natigilan na lamang si Mortem nang sampalin siya ni Amira. Napahawak siya sa kanyang pisngi kung saan lumapat ang palad ni Amira. Namanhid ito.    “H’wag kang matutulog sa tabi ko mamaya,” seryosong sabi niya at lumapit na kanila Ryker. Napabuntong-hininga na lamang si Mortem, wala siyang magawa dahil galit ang asawa. Pinanood niya na lamang si Amira habang nakikipag-usap. “Kayo ng bahala rito, mamayang hapon ay hihintayin ko ulit kayo sa Throne Palace.” Tumango na lamang sila at tumungo bilang paggalang sa Reyna, hindi nila magawang asarin si Amira dahil sa nangyari kanina. Alam nilang galit na galit si Amira dahil sa ginawa ni Livia kay Mortem at sa kakayahan nito bilang Mafiusa. Kakaiba kung tawagin dahil maski si Mortem ay nanigas sa kinatatayuan nito. Nang sumakay na si Amira sa sasakyan ay mabilis niya ‘tong pinaharurot. Naiwan si Mortem at tulalang napatingin sa mga kaibigan. Habang ang tauhan nila ay nililigpit na ang labi ng mga namatay. “What just happened?” hindi makapaniwalang sabi ni Mortem. “She’s really mad…” Tuluyan nang tumawa si Ryker at Wilder na kanina pa nila pinipigilan. “Man, rest in peace agad,” ani Ryker at humawak sa balikat ni Mortem habang natawa pa rin. “Pasensya ka na, Mortem. Sa labas ka matutulog,” tawang-tawa pa ring sabi ni Wilder. Hindi na rin napigilang matawa ni Rara, napakapit na siya sa braso ni Daem. “I just can’t believe it, Mortem. Para kang tanga kanina,” sabi pa ni Ibbie. “Anong nangyari sa’yo? Nagising ka yata sa katotohanang may taong hindi takot sa’yo.” “Nagulat ako!” depensa ni Mortem sa kanyang sarili. “I can’t believe it either,” pailing-iling pang sabi niya. “Good luck, Mortem,” nakangisi namang sabi ni Kane. “We’ll go now. Balitaan n’yo na lang kami mamaya kung lumuhod na si Mortem sa harap ni Amira.” At dahil sa sinabi ni Kane ay muling humalakhak si Wilder at Ryker. Si Daem naman ay napangisi na lang. Napailing na lamang si Zurikka at hinila na si Kane bago pa sila masaktan ni Mortem. “Let’s go home, Ryker!” pagsingit ni Fairoze na sumigaw na para marinig siya ng asawa. Kakababa niya lang sa sasakyan. “Coming, darling!” ani Ryker at nagpaalam na sa kanila. “Saan ka ngayon, Mortem?” tanong naman ni Daem. “Uuwi pa rin ako. Hindi ako matitiis ni Amira,” desididong sabi ni Mortem kahit na walang kasiguraduhan. “But, Mortem…Kung nagawa ni Livia ‘yon sa’yo, ibig sabihin lang no’n hindi siya basta-bastang Mafiusa. She’s also a powerful opponent,” seryoso nang sabi ni Wilder. “Oo,” tugon ni Mortem habang inaalala ang nangyari kanina. “Yeah, right. We need more alliance if they really want to start a war,” ani Daem. “Si Yumi, Daem. Umuwi na tayo,” pakiusap niya. Nakaramdam na nang pag-aalala si Rara dahil iniwan nila ang kanilang anak. “Okay, love,” aniya at nagpaalam na sila kay Mortem. “Be careful, Mortem,” ani Ibbie bago sila mag-iba ng landas. Sumakay na sa sasakyan si Wilder at Ibbie para bumalik na sa kanilang mansyon habang si Mortem ay muling nilibot ang paningin sa Open area. May isa namang tauhan na lumapit sa kanya. “Boss, nakita sa CCTV na pinalagay mo sa bawat sulok ng MI ang isang kahina-hinalang tao na mukhang salarin sa pagsabog dito at pagpasok ng Imperial Mafia.” Napatango si Mortem. “Send me the video later. Huwag mong hahayaan na malaman nila.” “Yes, Boss!” Nang tuluyang malinis ang paligid ng Open area ay naglakad naman si Mortem papalapit sa bangin, napatitig siya ro’n. Siya na lang mag-isa sa lugar at ang sasakyan na gagamitin niya ay pinadala na ni Kane. “Who’s the traitor among us?” naitanong niya na lamang sa kanyang sarili. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD