Naglalakad ako palabas ng aming simbahan ng biglang may nakabangga akong binata sa sobrang gwapo, singkit na mata, maputi, matanggad at maganda ang pangangatawan hindi ko mapigilan mapanganga, nagulat ako ng bigla akong siniko ng kasama ko, nagsorry naman ako kaagad. Yun ung first meet namin. Nagpakilala ako "ako nga pala si Fiona kau po anung pangalan nyo po, ngaun ko lang po kasi kau nakita dito" sumagot naman sya kaagad at nagpakilala " ako nga pala si Ryan , sorry ha nagmamadali kasi ako pasensya kasi nabangga kita, nice meeting you". Pagtapos nyan nagpaalam na iya kaya ndi na kame nagkakwentuhan pa.
Pauwi na ako pauwi sa bahay, habang naglalakad naiisip ko pa rin ung gwapong mukha ng nakabangga ko. Sobra sobra ang ngiti ko na parang walang problema ng bigla akong siniko ng kaibigan ko na matagal na palang nagsasalita sa tabi pero ndi ko pinapansin. Ngayon na namn ako nakaramdam ng ganito buong oras ng paglalakad akong nakangiti. Ng nakarating na ako sa bahay namen . Nauna ng nakauwi sina mama and papa. Kasi nag kotse sila pauwi, lagi kasi ako nagpapaiwan sa simbahan pagkatapos ng misa. Tumatambay pa kame don kasama ang mga iba pang membro ng youth ministry. Habang tumatambay nagkakantahan, nagkwekwentuhan muna kame laging ganon ang ginagawa namen tuwing linggo.
"Ma Pa andito na po ako, pasensya na po late na namn po ako dumating" sabay manu sa kanila. "Ma Pa ang ulam? " laging yan ang tanung ko kapag Hindi ko na alam ang sasabihin. Ako kasi yung tao na hindi pala kwento sa magulang. Strikto kasi sina mama at papa. Mas gusto ko pang magkwento sa mga katulong sa bahay kaysa sa mga magulang ko, hindi.ko nga.alam kung bakit ganito ako makisama.sa mga magulang ko.
Umakyat muna ako sa kwarto upang makapagpalit ng pambahay na damit. Pagkatapos ko magpalit bumaba na ako para makatulong man lang sa gawing bahay kahit kunti. Mayaman kame pero pinalaki kasi kame ng mga magulang namin na dapat tumulong pa rin sa gawing bahay kahit kunti. Para hindi naman masyadong mapagod ang mga katulong. Dumiretsyo ako sa kusina dun ko nadatnan si Nana Mely habang inaayos ang mga gulay na iluluto " Nay anu pong maitutulong ko?" sumagot naman si nana "ito anak oh tulungan mo ako dito tuturuan kita magluto ng binakbet" "sige po nay gusto ko pong matuto nyan" habang akoy tinuturuan sa gulay , bigla kong naisip ung binata na nakabangga ko kanina at akoy nguminiti, makikita ko pa kaya siya? Sana makilala ko siya at makasama? Bigla nalang ako natawa kasi ito yung una na nag ka interes ako sa isang lalaki, akala ko nga tomboy ako ahhahah hindi pala. Natapos na kameng magluto. Pumasok na ako sa dinning room. Iniwan na sina nana sa kusina. Tatawagin ko na mga kapatid ko upang mag ayos sa lamesa na kakainan. Saktong pagkatapos namen mag ayos ng hapagkainan. Nagsalita si Mama, "Anak pakidagdagan ang plato at kutsara may bisita tau" hindi na ako nagtanung pa, alam kp baka sina insan lang yun.
Pagtapos namen sa lamesa, naghain na sina nana. Saktong may nag doorbell, sinundo na ni papa ung bisita at pinaupo na din kame sa harap ng lamesa, habang naghihintay ginamit ko muna ung cp ko kasi simula kaninang nagsimula na ung misa hindi ko na tinignan pa ung cp ko. Tumigil lang ako sa pag cpcp ng nagsalita na si mama " Anak nandito na mga bisita naten. Ito si Bro. Tim, Bro. Nath at si Bro. Ryan" nagsiupo na kame. Habang kumakain inaalala ko ung nakabonggoan ko kanina parang sya ung nasa harap ko hindi ko alam kung titili ako o mahihiya pero halata ko namumula na ako, ng biglang nagsalita si papa kinausap ang mga bisita, napapaisip ako bakit kaya bro ang tawag ni mama sa kanila? , napanganga ako kasi dito daw sila titira ng ilang buwan habang nag aapostolate daw sila. Magtatanung na sana ako , ng biglang sinabi ni mama na magpapari pala ang mga ito. Natapos ang lunch namen ng matiwasay. Tumulong ako sa paglgpit ng pinagkainan ng biglang may nagsalita sa likod ko "Fiona tutulong na ako sa pagliligpit, diba ikaw ung nakabonggo ko kanina" " opo bro. Ako po yun" at bigla nalang ako umiwas kasi alam ko namumula na ko. Hindi ko alam kung bakit ganito nararamdaman ko sa kanya.
Pagkatapos mag ayos ng lamesa. Umakat muna ako sa kwarto ko upang magpalit ng short at braisser. Dumiretsyo na ako sa kubo upang doon magpalipas ng oras at doon magpahinga. Inaantok na ako kaya natulog na ako. Pagkagising ko mag 5 na kaya nagpaysa akong magswimming muna bago bumalik sa bahay. Pagkadive ko bigla akong napaisip kasi may naririnig akong mga binata na nagsasalita, at naalala ko may bisita pala kame kaya umahon na ako bigla. Maalala ko wala pa akong dalang towel, sobrang hiya ko kasi nakita nila akong ganito ng suot. Anu ba yan bakit ba ako ng suot ng ganito yan tuloy namumula ako habang silay nakatitig sa akin. Umalis na ako sa poolside at babalik na sa bahay ng matapilok ako akala ko babagsak na ako may tumulong sa akin kinagulat ko nasa likod ko ma pala si Bro. Ryan ," salamat bro at sorry kasi nabasa kana" bigla nalang ako umalia dahil sa hiya. Pagkarating ko sa bahay nakita ako ni mama tumatakbo papunta sa kwarto "anak pagkatapos mo magbihis mag usap tau sa office hah hintayen kita" "sige ma" kinakabahan na ako bakit sa office pa kame mag uusap kung hindi ako papagalitan. Nagbihis ako kaagad kasi alam ko maiinip si mama lalong mag iinit ang ulo non sa akin. .
Ng makarating ako sa office nakaupo si mama sa upuan nya at pinaupo na ako sa upuan sa harap ng table. " anak alam mo namang may bisita tau nagdamit ka ng ganun, san ka galing bakit basang basa ka ninang dumating ka? Bakit ka tumatakbo? " ayan na si mama tuloy tuloy na namn ang pagtatanung, ni hindi na ako makasagot "Ma galing ko sa kubo, naklimutan ko na may bisita kaya ganun ang suot ko kanina, naligo ako sa pool bago bumalik dito. Pasensya na ma ndi na po mauulit" "dapat lang na hindi maulit, sige na pumunta ka na sa baba baka kailangan na ni nana ng tulong" " sige ma pupunta n po ako".
Naglalakad ako pababa ng nakita ko sina bro. Na papasok na ng bahay. Hindi ko mapigilan mamula kaya binilisan ko maglakad papunta sa kusena.. Pagkarating ko sa kusina tapos na palang nagluto sina nana ng haponan. Kaya lumabas ako at tinignan amg oras, oras na pala ng Angelus. Nakasanayan na kasi dito sa bahay na kapag 6 na sabay sabay kame nagdarasl ng angelus deretsyo rosario. Natapos na kameng magdasal kaya nagtungo na kame sa dinning area upang mag ayos ng hapagkainan.. Nagsalo salo kame at napuno ng halakhak ang buong bahay. Pagkatapos manood ng tv iniwan ko na sila sa sala. Nagtungo na ako sa kwarto ko para makatulog na at makapagsulat sa diary Ko.
Pagkatapos ko magsulat inantok na ako. Kaya nagdasal na ako bago matulog. Himbing na himbing ang tulog ko. Tawa ako ng tawa kasi....