Lalong dumikit si Yvonne sa lalaki at nagpapaturo ng tamang pagtipa ng gitara. Tumingin si Bert kay Intoy tila nagpapaalam. Naningkit nman ang mata ng binata. Nagkibit ng balikat si Bert hindi malaman kung ano ang magiging hakbang. Si Intoy ang hindi nakatiis sa eksena masyadong nakadikit ang dalaga sa kaibigan niya. Alam naman niyang di hamak na ms guwapo siya kay Bert pero ewan niya bakit kinakain siya ng selos. Hinablot ni Intoy ang gitara. "Mamaya kana magpaturo" pagalit na sabi nito. At ito na ang kumalabit ng gitara. Palihim na nagdiwang ang puso ni Yvonne. "So his fake boyfriend is a possessive type, perfect! Lihim na usal ng dalaga. Tama si Bert mas malupet nga ang binata kesa dito. She was mesmerized by the cool, deep sexy voice of Edward, she fell in love with his singing. "S

