Sa labas ng bahay ay nasalubong ni Intoy si Bert, niyaya niya ito na tumagay dahil maaga pa naman at kailangan ni Intoy ng mapaglalabasan ng kanyang hinanakit.Tulad ng mga nakaraang gabi ay alak ang kapiling niya. Sa likod bahay kung saan niya natagpuan noon si Yvonne ay naghintay si Intoy kay Bert na siyang nag voluntaryo na bibili ng kanilang inumin at oorder daw ng isaw sa labasan. Hindi niya mahagilap si Bert nitong mga nagdaang araw dahil abala ito sa pantalan at ito na din kase ang pinamahala niya sa pagsu supply ng mga isda sa palengke sa mga suki nila. Balita niya ay dumadayo na ito sa ibang pantalan at wet market para kumalap ng iba pang customer. Nang ipagkatiwala niya kay Bert ang negosyo sa pantalan ay doon lang din niya nadiskubre na mahusap sa diskarte at sales talk ang kaib

