Malaking tao pala ito marahil ay mga 5'10 ito at malapag ang balikat. Mukhang batak sa trabaho ang lalaki dahil mamasel ang braso nito bakat sa t-shirt nitong kulay black, naka short lang ang binata. nakita pa niya ang tattoo nito sa malapit sa ibabang binti bago ito tuluyang lumabas ng pinto. "Sino ang kanyang super hero?" Tuluyan ng dumilat ang dalaga ng makalabas na ang lalaki. Kinuha ang baso ng tubig at inubos ang natitira pa doon. Malaki ang pasasalamat niya sa lalaking kalalabas lamang ng silid. Tinulungan siya nito kahit hindi siya kilala alam niyang madami itong itatanong kapag nagising siya kaya matamang nagiisip ang dalaga. Mabuti na lamang at hindi naisipan ng binata na dalhin siya sa hospital o sa pulis bukod sa maraming tanong at imberstigasyun makakaladkad pa ang pangalan

