"Senyorita Yvonne...Senyorita.." iyak ng mga katulong ng makita siyang bitbit ng mga armadong lalaki. Bakas ang takot sa mga mata ng mga ito. "Mga wala kayong puso pati ang buntis ay hindi na kayo naawa. Ano bang kailangan ninyo ? pera ba? kunin na ninyo ang mga kailangan ninyo, huwag ninyo lang sasaktang si Yvonne" sigaw ni Manang Mila na nagsilbing yaya ni Yvonne sa matagal na panahon. Para na niya itong anak. Sa tagal sa mga Gatchalian, hindi niya kayang makitang ganito ang sasapitin ng mag aamang kakapangita pa lamang. "Tumahimik ka tanda" sigaw ng lalaki. "Bubusalan ko ang bibig mo. Tumahimik kayo lahat malapit ng mag Alas Siete. Tumahimik lahat....!!" malakas na sigaw ng lalaki. Lingid sa kaalaman ng mga lalaking nasa loob. Nasa area na rin ang mga alagad ng batas. Dumating na sa

