Nang sumunod na gabi ay hindi na nakatiis si Yvonne. Dalawang gabi na rin na hindi siya mapakali at gusto ng alamin ang kuwento sa biglaang pagbabago ng asawa. "Mahal hindi mo ba talalga ikukuwento ang mga nangyari kung bakit bigla kang nagbago at kung bakit ka humingi ng tawad sa Papa? may kasalana ka bang nagawa? please ikuwento mo naman mahal ko." pangungulit ni Yvonne. Ibinaba ni Intoy ang binabasang libro tungkol sa business strategy saka hinarap ang asawang napaka seksi sa suot na pantulog yun mga lamang hindi niya mayakap ng mahigpit dahil nakaharang ang nakausli ng tiyan nito. "Naku anak bilisan mong lumaki at lumabas ka agad nakakaistorbo ka na sa daddy eh..." biro ni Intoy na pilyong hinalikan ang nakaumbok na tiyan ni Yvonne saka tumayo at lumipat ng side ng kama saka niya

