Tanghali pa lang kinabukasan ay dumating ang hinihintay na package ni Yvone. Sinadya niyang umuwi matapos niyang sumama sa pantalan ng umaga. Ang sabi niya sa binata ay nais niyang maglinis ng bahay. Bago pa man dumating ang kanyang hinihintay isinagawa na ni Yvonne ang mga binabalak kung kayat nang matanggap ang package ay lumabas ang dalaga at napunta ng bayan upang makapag withdraw. Kabisado na niya ang tricycle at kung anong lugar ang tahanan ng binata nausisa na niya ito noong umaga matapos siyang makita nito sa ulanan. Hapon din ng araw ding iyon ay dumating ang kanyang mga inorder online. Iniwasan niyang gumamit ng card online upang hindi ma trace na buhay siya kaya COD lahat ng order at tanging ang Atm lang ang ginamit niya hindi ang credit card. Inubos na niya ang laman ng

