Sa duty free na lamang bumili ng extrang damit si Intoy at bumili na rin ng maliit ng back pak dahil ang maleta niya na dadalhin dapat sa biyahe at nasa compartment ng kanyang kotse. Dumating si Tenyente Sandoval sa airport wala pa mang isang oras at nagmeet ang dalawa sa isang maliit na coffee shop. Sa paguusap nila ni Attroney, nabanggit nito ang mga posibelng mangyari at kung ano ang posibleng balak ng mga suspect sa pagbuntot sa kanya. Ayon daw sa source ay nila ay mukhang natunugan na ng mga salarin na aalis ka sa bansa at mukhang tatambangan ka nila o titiyempuhan ka para maisagawa ang anumang balak. Mabuti na lang at natunugan mo na may sumusunod sayo at mabuti na lang pala at nagtalaga ako ng mga agent sa bahay nyo at yun ang pinabuntot ko agad sayo naradyuhan naman ang ibang age

