Naririnig pa ni Yvonne na nagtatalo ang mga lalaki sa labas ng pintuan. Malakas ang boses ng mga eto kaya dinig pa rin niya kahit nasa secret closet sila. Ang kaso sa sobrang liit ng silid ay halos walang siwang para sa hangin magiging mahirap para kay Yvonne na buntis ang paghinga. Hindi rin alam ni Yvonne ang pakiramdam ng ama. kung hindi ba ito nahihirapan. Pero kita niya ang takot at pagaalala sa mga mata nito. "Sira ulo ka! Ang utos sa atin ni Amo ay takutin lamang sila at bihagin .Tapos dalhin sa sala ang mga iyan pati ang anak na babae at ang ama at papanuorin ng tv news update bandang alas 7 ng gabi. Hindi ko alam kung anong meron basta yun ang utos." sabi ng isang lalaki. "Yun lang ang misynun natin, ngayong kung papatay na tayo aba! ibang usapan naman yan, iba na ang bigayan ng

