Chapter 52

1269 Words

Ang dalawang stripe na iyon na dapat sana ay kaligayahan ang dulot sa kanya ay siya palang dudurog sa puso niya. Hindi naitago ng dalaga ang sakit na nadarama kaya napahagulhol na siya sa loob ng cr. Nang maramdaman ni Yvonne na tila naubos na ang kanyang mga luha at manhid na ang puso at dibdib niya ay lumabas ang dalaga at muling bumalik sa pagkakaupo sa kama. Nanginginig ang tuhod niya. Hindi siya makapagisip ng maayos. "Ano ng plano mo Yvonne ?Asan na ang iyong bright idea? Paano ka na ngayon?Papano na?" kausap ng dalaga sa sarili. Tumingala ang dalaga hinahanap sa kisame ang posibleng sagot sa kinakaharap. Hinimas ng dalaga ang tiyan na noon ay hindi pa naman mababakas. "Patawad anak nandyan ka na pala wala pang kaaalam alam si mommy at patawad anak mukhang hindi ka maaaring makita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD