"Tahan na Lizel baka mamaga ang mga mata mo at sugurin pa ako dito ng mga kapatid mo" sabi ni Intoy. Maliliit pa ang mga kapatid ni Lizel kaya alam ng babae na joke lamang iyon ng binata. "Promise mo ba na kaibigan pa din kita na hindi mo ako iiwasan ha Intoy?" tanong ni Liezel. "Oo naman wala akong ibang babaeng kaibigan na pinagkakatiwalaan kundi ikaw lamang hindi ba. Pero siguro medyo bawasan mo ang pagyakap yakap sa akin dahil nakita mo naman selosa ang girlfriend ko. Pero hindi yun magagalit kapag naging ka close mo na yun mabait siya Lizel at masarap kasama at ang higit sa lahat mahal niya ako maging sino man ako" sabi pa ni Intoy. Totoo sa loob niya ang mga sinabi. Si Lizel lamang ang babaeng kaibigan na meron siya at marahil bukod dito ay wala na. Tumango tango ang babae na tila

