"Really, napatira ka lamang sa looban naging basura na ang utak mo. Baka nakakalimutan mo Yvonne, para sa ama mo patay ka na. At kungn saka sakaling malaman man niyang buhay ka may magbabago ba? Ako at ako ang paniniwalaan niya Yvonne." nakaismid pang sabi ng babae. "Hanggat kaya kung paligayahin at patirikin ang mata ng matandang walang silbing iyon, ako at ako ang paniniwalaan niya Yvonne, hindi ang isang anak na spoiled brat at walang silbing tulad mo. Just wait and see honey, wag mong madaliin ang kamatayan mo. May papeles lang akong ipinaaasikaso na kailangan mong pirmahan bago ko isaboy sa dagat ang abo mo. Remember isa ka ng abo, bye!" humahalakhak pang paaalam ang babae. "Hay*p ka, napakasama mo, napakawalang h*ya mo!" umiiyak na sigaw ni Yvonne. Nagpupuyos naman sa galit ang d

