Bagamat lasing ay alam ni Intoy ang ginagawa at sa kaibuturan ng kanyang puso ay labis na agad niyang pinagsisisihan ang inaasal sa harap ng dalaga. Perowalang pagpipilian si Intoy, kailangan niyang gawin iyon. Halos gusto ng lumingon at yumakap ni Intoy kay Yvonne lalo na nang itulak niya ang dalaga at alam niyang medyo napalakas iyon. Hindi niya nakontrol ang braso niya at napalakas ang tulak niya at halos mapamura si Intoy sa ginawa niya iyon ng makita niyang sumadsad ang likod ng dalaga sa pinto. "P*tcha namang kapalaran ito" bulong na lamangng binata na sinarili na lang nito. Galit na nasuntok ni Intoy ang pader sa sobrang inis sa sarili at sa natuklasang sitwasyun. Nagulat naman si Yvonne at natakot sa naging kilos na iyon ng binata. Hindi malaman ni Yvonne kung ano ang gagawin o

