Maagang nagising si Intoy kinabukasan, nakokonsensya man na hindi niya kinikibo ang kasintahan ay kailangang gawin ni Intoy . hindi niya gusto ang lahat ng nangyayari. Nakapaligo na si Intoy ng muling pumasok ng silid. Tulog pa din ang dalaga kaya dahan dahang kumuha ng pamalit ang binata at muling lumabas. Mamaya na lamang sila maguusap ng dalaga pag dating niya. Kinuha ng binata sa bulsa ang susi ng pick up at dahan dahang inilabas ito sa iskinita. Sa totoo lang ay ayaw niya sanang gamitin ang sasakyan yun nga lamang ay nakaharang ito sa b****a ng iskinat at ito ang dapat laisin bago makalabas ang luma niyang motor. Hind naman niya gustong tangihan sana ang regalo ng dalaga nagkataon lang kase na mahalaga sa kanya ang prinsipyo. Sana pag kinausap niya ang dalaga at ipasolo niya ang sas

