"Nasaan ka mahal ko,, please magpakita ka. Patawarin mo ako, pangako, makita lang kita hindi hindi na kita bibitawan kahit kamuhian mo pa ako" bulong ni Intoy sa sarili habang palinga linga sa paligid. paalis na sana si Intoy sa terminal ng makita niya ang isa pang tricycle na papasok sa terminal matanda ang driver nito at alam niya hindi niya pa ito nakakausap. Dali daling bumaba ng motorsiklo si Intoy at nilapitan ang matanda. "Magandang gabi po tay, magtatanong lang ho ako, Naisakay nyo ho ba ang babaeng ito? " Tanong ni Intoy. "Aba oo naisakay ko nga ang babaeng ito kanina tanghali. Mukhang hindi taga rito dahil hindi alam na dalawa ang palengke sa atin" Sagot ng matanda. "Eh bakit ba? kaaano ano mo ba yan?" usisa pa nito. "Kasintahan ko po tay, galing Maynila naisipan hong mamasy

