Natawag ang pansin ni Intoy sa kaliwa ng bahagi na medyo hind abot ng paningn niya. Hagip ng mata niya na naroon ang isang lalaking matangkad habang tila may hawak itong babae. Gumalaw ang lalaki palapit sa lalakign nakabantay sa gma katulong at kinaladkad ang babae. Laking gulat ni Intoy ng gulalw ang lalaki at napatagilid at makita niya kung sino ang babaeng hawak nito. "Yvonne ... No.. No... " Kitang kita ni Intoy na hawak sa leeg ng isang lalaki ang buntis niyang asawa at sa hitsura ni Yvone ay mukhang hirap na ito. Luhaan ang asawa niya at namumutla na. Delikado na ang hitsura ni Yvonne. Bumalik sa alaala ni Intoy ang hitsura ni Yvonne ng isugod niya sa hospital apat na buwan an ang nakakaraan. Humarap ang lalaki habang sakal ang kanyang asawa at nakita nito na may mga pulis ng naka

