Sinisisi ni Intoy ang sarili sa nangyari kay Yvonne. Sinabi ng doctor na isa sa posibleng dahilan para makunan ay stress at depression bukod pa sa mahina ang katawan ng nagdadalang tao. Alam ni Intoy na tinitiis lamang ni Yvonne ang lahat, alam niyang itinatago lang ng asawa ang totoong saloobin at ang kalungkutan ng lumayo sila. Hindi na nagpatumpik tumpik si Intoy, nagdesisyun ito bago pa mahuli ang lahat. Hinding hindi niya kakayanin kapag may nangyaring masama kay Yvonne. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama sa kanyang anak. Halos hindi magawang kumilos ni Intoy ng sandaling iyon para siyang natuod sa takot at pagsisisi. Lintek na pride kase niya kase kung bakit niya sinunod ng sandaling iyon.Kung alam lang niya na hahantong sa ganito ang lahat nilunod na sana

