Maagang gumayak si Yzabelle upang daluhan ang mahalagang araw para sa kinabibilangan niyang nunnery congregation. Ang anniversary ng Blue Sisters ay sinecelebrate sa pamamagitan ng mga charity works tulad ng pagbibigay ng mga damit at food packs sa mga less fortunate, pagtuturo sa mga bata, pag-aalaga ng mga may sakit, pagtulong sa mga kababaihan at pagbibigay ng hospice service para sa mga taong malapit ng mamatay. Kahit wala siya sa kumbento ay importante sa kanya ang ganitong okasyon kung kayat wala siyang pag-aalilangang dumalo at makibahagi. Tiyempo namang may mahalagang gagawin si Eric sa kanyang upisina kung kayat si Alkins na lamang ang inutusan nitong sumama sa kanya. Sinabi niya sa binata na kaya naman niyang dumalo mag-isa ngunit hindi ito pumayag sapagkat pinag-iinitan pa ng gr

