Maingat na ipinarada ni Alexa ang kanyang sasakyan sa parking lot ng osptital. Pupuntahan niya si Doc Angel upang personal na magpasalamat sa mga naitulong nito noong pinagbubuntis pa niya si Kylie. Ilang araw na lang kasi ang ilalagi nila sa Pilipinas ng anak niya. Pinapabalik na siya ni Carlo sa Diamant Empire dahil mukhang matatagalan pa ang bakasyon ng pamilya nito sa San Gabriel. Kaya bago pa mangyari iyon, nagpasya siyang puntahan nalang sa ospital si Doc Angel. Hinayaan na rin niya si Carlo na magdesisyon tungkol sa shares nila sa DLVC. Tutal naman, nanalo sa pustahan nila si Json, mas maayos na ang estado ng conglomerate ngayon. Sigurado siya, hahayaan na rin ni Carlo ang shares nila sa conglomerate. Karga niya si Kylie habang papasok sila ng ospital. Humigpit pa ang hawak n

