Chapter 15 Pero imagination ko lang ang lahat ng 'yon. Ano 'yon? Kumokorean? Natigilan ako sa paglalakad nang makita kong nakasunod sa kanya si Jury. Hahakbang na sana ako para magpatuloy sa paglalakad nang mapaurong ako. Kumapit lang naman si Jury sa braso ni Fire. Tsk! Hindi man lang tinanggal? Napahawak ako sa bandang dibdib ko na ngayon ay naninikip at sobrang bilis ng t***k. Nagseselos ba ako? O nasasaktan? Tsk! Susundan ko ba sila? Do I have the right to smash her face? I mean, to follow them? Aish! "Fire, saan ka pupunta? Hindi ba't pupuntahan pa natin ang mga kalahok sa paligsahan bukas?" "Eve! Ikaw daw ang magdedesign ng stage pagkatapos ng event. Are you in? Tutulong kami." Sigaw ni Haji. Aish! Pahamak talaga 'tong si Haji. Tumalikod kaagad ako at mabilis na nagtungo sa

