Chapter 45 Walang kaemo-emosyon siyang nakatingin sa'kin ngayon. What? Matapos niya akong ihulog dito sa tubig, tititigan lang niya ako na para bang walang nangyari? What a heartless man! Makonsensiya sana siya. Hinampas ko ang tubig at sakto sa mukha niya tumalsik. Mabuti nga sa kanya! "Hoy! Apoy! Ang sama mo! Alam mo 'yon? Ihuhulog mo 'yong tao tapos hindi mo man lang tutulungan?" Hindi ako makatingin sa kanya dahil sa sinag ng araw na tumama sa likuran niya. Tumayo ako at napahilamos ng mukha, nakainom pa ata ako ng tubig eh. I cough three times bago siya tingalain kaso wala na siya sa kinatatayuan niya. "At talagang iniwan ako ah..." Napatingin ako sa palagid. "Shems! Ang dami palang estudyanting nakatingin sa'kin." Naglakad ako na para bang walang nangyari. Maniningil ako mamay

