Chapter 58 Pinilit 'kong huwag lumingon. Kasi baka hindi 'ko na naman mapigilan ang emosyon 'ko at masakal 'ko pa siya. Pinili 'kong dumaan doon sa maduming hallway. Wala akong pakialam kung saan ito palabas, ang sa akin lang ay makaiwas at makarating sa pupuntahan. "Fire? Saan ka pupunta?" Tuloy lang ako sa paglalakad. Wala kang narinig Eve, bulong lang iyon ng ihip ng hangin. "Sino bang sinusundan mo diyan?" Ugh! Ang landi ng boses, ah? Ano bang pakialam niya kung sinusundan ako ni Fire? Sila na ba? Kung makapagtanong wagas. Clingy lang? "Gusto mong malaman kung sino ang sinusundan 'ko Yumi?" Tanong ni Fire mula sa likuran 'ko. "Oo, sino ba 'yan?" "Ang kaligayan 'ko na sana hindi maagaw sa'kin dahil baka ikabaliw 'ko." Doon na ako natigilan. Nagawa pa talaga niyang gumano'n? Ha

