Maxine Avila’s POV “Enzo— I m-mean… Sir Enzo ano pong ginagawa niyo dito—” “Mr. Veneracion, what are you doing here!?” Nanlaki ang mata ko nang tuluyang makalapit si Enzo. Agad akong gumitna sa dalwang lalaki. Hinarang ko ang sarili dahil kung hindi ay ang palagay ko… susugurin talaga ng boyfriend ko si Clifford. Hindi man lang nagbago ang panlilisik ng mata nito. Lalo pa yatang nagliyab nang pumagitna ako. Ni hindi man lang nito pinansin ang tanong ko kung anong ginagawa nito dito sa campus. Tapos si Enzo pa ang may lakas ng loob na magtanong kung ano ang ginagawa ni Clifford dito sa school. Hindi ito aware na isa na pala si Clifford Veneracion sa may-ari nitong university. Gusto ko man na ipamukha dito ang info ay hindi ko naman na magawa sa harap ng maraming tao. Sobrang selos na s

