Maxine Avila’s POV Magkakilala sila? Napatanong tuloy ako sa isip ko. Mahirap mambitang pero sobrang coincidence naman na magkakilala sila ng lalaking iyon. Hindi kaya si Glaiza ang mastermind ng pagkidnap dati kay Erwan? Bigla naman naalala ko. Isang beses na nagpunta ako sa office noon ni Enzo. ‘Yung time na hindi alam ni Glaiza na nasa loob ako ng CR. Narinig ko siya na binanggit ang pangalan ni Erwan sa kausap sa phone na parang may pinaplano siya. Tapos ilang araw lang ay may nangyaring masama kay Erwan. Hindi ko na masyadong matandaan pero parang may binanggit pa siya na something kaya ako biglang nagduda sa kanya. Pero bakit niya gagawin ‘yon? Magkasintahan sila dati. Parang imposible naman. Tsaka, gusto naman ni Glaiza ang mga bata, kapag nagpupunta siya sa mansyon ay sweet siya

