Maxine Avila’s POV Mas hinapit pa ni Enzo ang beywang ko at sinasadya na iparamdam sa akin kung gaano na siya kahanda na angkinin ako. Bigla akong nakaramdam ng hiya lalo na at ang fresh ng amoy ng katawan nito samantalang ako ay hindi pa nakakaligo. Hinawakan ko siya sa dibdib at tinangka na itulak para ilayo ang katawan ko. Parang nagulat pa ito sa ginawa ko pero pinakawalan niya naman ang katawan ko. “E-enzo, kailangan kong puntahan na ang mga anak natin. M-maliligo na ako at mamaya na lang tayo mag-usap.” Lumakas ang kabog lalo ng dibdib ko sa sinabi nitong ipaparamdam niya kung gaano ako na-miss. Hahakbang na ako pero hinawakan niya ako sa beywang at hinila ako kaya napahawak ako sa matipuno nitong dibdib. “No way, baby ko.” Nanlaki ang mata ko dahil bigla nitong kinuha ang kamay

