Maxine Avila’s POV “Paano ka, babe ko?” Bigla ko naman inilayo ang katawan kong nagsimula nang mag-init. “Paano kapag uuwi na tayo sa bahay? Makikita ka ng mga bata na ganyan ang itsura mo?” Nag-aalala ako nang husto. Alam ko naman kasi na hindi lang isang araw ang kailangan para gumaling ang pasa. Kay Clifford at Enzo ay si Clifford naman ang mas napuruhan, pero halata pa rin na nakipag-rambulan si Enzo kaya hindi pwedeng umuwi pa. Bigla naman na nakita kong nag-alala rin ang mukha ni Enzo sa sinabi ko. “Bahala na, baby.” Sambit na lang ni Enzo at matapos ay hinapit nito ang beywang ko kaya lalong naglapit ang mga katawan namin habang magkatabi. “We’re not going home tonight. Mag-absent ka muna sa school bukas para makaiwas sa usapan ng classmates mo. Don’t worry, gagawa ako ng paraan

