INSIDE THAT HEART OF JACK MONTEVERDE (BOOK 1)
by: TheBlackCat047
CHAPTER 6?
"Mommy, ok lang po ba kayo? Sick po ba kayo?" puno ng paag-aalalang tanong ni Gab na hindi na niya namamalayang nasa tabi na pala niya.
Napansin kasi ng bata na kanina pa siya tulala. Kaya tinabihan siya neto, ngunit hindi niya eto napansin kaya nagsalita eto at kinakamusta siya.
Sinulyapan naman ni Jack ang pinanggalingan ng munting nag-aalalang tinig at nginitian.
"Ahm yes, ayus lang si mommy at hindi sick si mommy baby" mahinahong sagot ni Jack na sa ilang araw ng pananatili niya doon ay napapalapit na ang loob at napamahal na sa bata.
Maya-maya ay sumilip din si Lola Berta at tinawag si Gab.
"Apo, matulog ka na, 'wag mo ba kulitin ang mama mo at may klase pa si mama mo bukas" ani lola Berta na umupo sa tabi niya.
Kaagad namang sumunod ang bata na agarang tumayo at nakangiti at magiliw na humarap kay Lola Berta.
Kahit kailan talaga ay hindi nauubusan ng energy 'tong batang 'to at ang mga ngiti netong nakakahawa na sa hindi malamang dahilan ay nakakagaan ng loob.
Kaya siguro mahal na mahal eto ng ina neto, at hindi maipagkakailang, siya din, hindi kasi mahirap mahalin si Gab.
"Sige po lola, good night mommy, wag ka na sad ok, mwaah" saad nito at humalik sa pisngi niya, napangiti naman siya at niyakap at ginantihan ng halik ang pisngi ng bata.
Lumapit eto kay Lola Berta at humalik din sa pisngi ng matanda.
"Goodnight po lola, mwaahh"
"Goodnight apo, matulog ka na 'dun ha, maya-maya ay papasok na din kami ng mama mo" saad ni Lola Berta at tumango naman ang bata at kaagad na pumasok sa loob.
Humingang malalim si Jack at nakangiting tumingala at pinagmasdan ang mga butuin na nagniningningan sa napakaaliwalas na kalangitan.
"Ahm Lola, naalala mo pa ba yung tatay ni Gab?" tanung ni Jack at napansin na natawa lang ang matanda.
Kumunot naman ang noo ni Jack sa reaksyon neto. May nakakatawa kaya sa nakaraan ni Maureen?
"Nako apo, wag mo kong pinagtritripan ng ganyan, aba eh kahit matanda na ako eh matalas pa man din ang memorya ko" nakangiti at pailing-iling na tugon neto na bahagya pa siyang hinampas sa balikat.
Kumunot lalo ang noo ni Jack. Bakit naman niya pagtitripan ng ganoong katanungan ang matanda? Nag-iisip pa siya ng kung ano ang magandang sasabihin o itatanong sa matanda na hindi siya mahahalata.
Naiintriga kasi siya kung anong klaseng lalaki ang ama ni Gab. Kung anong klaseng lalaki ang nanloko kay Maureen na sa maikling panahong palagi niyang kasama ay tila unti-unti na ding nahuhulog ang loob niya.
Muli siyang napabuntong-hininga at tumingala sa langit habang nag-iisip kung ano kaya ang pwedeng itanung niya ng biglang nagsalita at nagkwento si Lola Berta.
"Alam mo apo, ang totoo eh natakot ako nung umalis ka,nung mapagdesisyunan mong lumuwas para hanapin yung nanay mo sa Maynila. Pero karapatan mo din namang makita ang iyong ina" pag-umpisang magkwento ni Lola Berta na hindi na tumingin sa kanya at nakatitig lang sa malayo.
"Nalungkot nga ako ng sobra na wala man lang akong nagawa para matulungan ka, at 'yung perang ginastos mo, mga pera naipon mo pa iyon mula sa mga raket na pinasukan mo"
Mas lalong humanga si Jack sa narinig. Noon pa man ay ang tibay na ng loob at ng determinasyon ni Maureen. Kahit na mahirap ay pilit na tinatatagan neto ang loob lalo na kung may bagay etong nais makamit.
"Hindi maiwasang hindi ako kabahan ng sobra. Bukod kasi sa napakalaki ng Maynila, eh 'di hamak na nakapadelikado pa lalo't ikaw lang mag-isa, tsaka yung perang dala mo noon, sapat lang para makauwi ka dito, ni hindi ko nga alam kung may ekstra pa 'yun para may makain ka man kahit papaano"
Hindi lubos maisip ni Jack ang mga hirap na pinagdaanan ni Maureen. Baka kung siya ang nasa katayuan na 'yun ay baka hindi niya kayanin.
"Kinabahan nga ako noon ng labis-labis, baka kasi kung mapano ka doon at hindi mo makita ang nanay mo. Ni hindi man lang kita magawang samahan, maliban sa walang kwentang matanda na itong lola mo eh, magiging pabigat at dagdag lang sa gastusin mo. Kaya palagi kitang pinagdadasal na sana makita mo na ang iyong ina at higit sa lahat eh sana gabayan ka Niya at panatilihing ligtas" maluha-luhang dugtong ni Lola Berta na nasa malayo pa din ang tingin at hindi na nag-abalang lingunin siya.
Nangingilid na din ang mga luha sa mga mata ni Jack. Naaawa siya kay Lola Berta at lalong-lalo na kay Maureen. Naantig siya sa labis na pagmamahal ng dalawa para sa isa't-isa.
Kaya pala halos hindi na iniinda na ni Maureen ang pagod kakaekstra maibigay lang lahat ng pangangailangan ng lola at ng anak niya. Mapatikim lang niya ang mga masasarap na pagkain sa mga eto, na dati ay nilalait lang niya.
Napakalaki niya palang hangal. Ni katiting sa pagmamahal na 'yun eh hindi niya nagawang maipadama sa kanyang ina, na halos minu-minutong palaging nandyan para sa kanya pero binabaliwala lang niya.
"mga bagay na pinagdadasal at hinihilang lang ng ibang tao" mas lalong lumalakas ang pag-agos ng mga luha niya ng maalala ang mga sinabi ni Maureen.
"Pero kinabahan din ako ng maiisip na paano kung sakaling makita mo ang nanay mo at mapagdesisyunan mong sumama sa kanya, at tumira o manatili na doon kasama siya, aba eh, maiiiwan na lang akong mag-isa dito, pero syempre ayus lang naman 'yun ang mahalaga eh natupad mo ang hiling mo na makita at makasama ang ina mo"
Dugtong ni Lola Berta na pinapahiran ang mga luhang nagsidaloy sa mga pisngi neto. Napakaselfless nila. Ayus lang sa kanila na maiwan o maghirap mapasaya lang ang mga mahal nila. Mas lalong naiiyak si Jack, kabaliktaran lahat ng iyon sa pagiging makasarili niya na hindi man lang isinaalang-alang ang mararamdaman ng kanyang ina o kahit na sinong tao na nasa paligid niya.
"Hindi ko naman ipagdadamot sa'yo ang kasiyahang iyon" ani Lola Berta na nakangiting tiningnan siya at pinahiran pa ang mga luhang nasa pisngi niya.
"Pero mas kinabahan ako nung umuwi ka na may bitbit na bata, bitbit ang isang sanggol, aba eh natakot ako, pinagalitan pa nga kita noon at baka mademanda pa tayo kung sino man ang mga magulang ng batang 'yon" dugtong ni Lola Berta na labis na kinagulat ni Jack.
(H-hindi anak ni Maureen si Gab?!)
Natulala si Jack at hindi makapaniwala sa impormasyong nadiskubrehan.
"Mga dalawang buwan din 'yun mula ng pag-alis mo, pag-uwi mo, may dala kang isang supling, nagalit pa nga ako sa'yo nun, akala ko kasi kung saan ka nagnakaw ng bata" nakangiting tugon ni Lola Berta habang binabalik-tanaw ang mga nangyari.
"Pero nung sinabi mong napulot mo 'yang batang yan sa basurahan, aba eh, napalitan ng awa ang galit na nararamdaman ko"
Napaawang ang mga labi ni Jack. Pati siya ay nakaramdam na din ng galit sa kung sinumang walang pusong-ina ni Gab na nag-abanduna neto.
(Sa basurahan? Tsss.. napakawalang-puso, magaling lang silang tumihaya at magpakasarap tapos kapag nagbunga ang kawalang-hiyang pinaggagawa nila basta-basta nalang nilang itapon sa basurahan?
Kung ayaw naman pala nila eh bakit lumandi-landi pa sila. Bakit hindi nalang nila eto ipaampon ng maayus o kahit ibigay man lang sa simbahan, bakit kailangan pang itapon na parang masahol pa sa tuta) sa isip ni Jack na galit na galit sa kung sino man ang napaka-iresponsableng magulang ng bata.
"Sinong walang pusong ina ang magtatapon ng supling niya sa basurahan? Napakawalang puso ng mga magulang niya.
Mabuti na lang at ikaw ang nakakita, kadalasan kasi sa mga tao ngayun, pasikat muna bago malasakit" dugtong ni Lola Berta, nagtiim bagang na lang si Jack na mas lalong nagpupuyos sa galit at lihim na sumasang-ayon sa matanda.
(Mabuti nga at si Maureen ang nakakita, pero anong pinag-gagawa ko sa kanya?) sa isip niya na labis ang pagsisisi sa mga kawalang-hiyang pambabastos niya kay Maureen, dahilan upang mas lalong kumirot ang puso niya at mas lalong nagsiagos ang kanyang mga luha.
"Hinahayaan na lang nila yang batang walang kalaban-laban na mag-iiiyak sa loob ng basurahan ni hindi nila naiisip na maaari etong tangayin ng mga aso" dugtong ng matanda, walang imik si Jack na walang tigil din sa pag-iiiyak.
"At natutuwa ako na minahal mo ang bata na parang sariling anak mo na rin, kahit na sinong magtanong sinasabi mo na anak mo yung bata" nakangiting dugtong ng matanda na hinaplos-haplos pa ang buhok niya.
Napakagago niya. Napakabuting tao ni Maureen pero ano ang ginawa niya? Wala siyang matinung ginawa para dito maliban sa bastusin at pagpustahan kasama ng mga barkada niya. Ngunit hindi man lang eto nagalit ng sobra sa kanya o maisipang gumanti sa mga katarantaduhan niya.
"Tinatanong kita kung bakit at hindi mo naman kelangan gawin yun, nagmumukha ka na tuloy dalagang-ina. Pero alam mo sinagot mo? Alam mo kasi yung pakiramdam na walang natatawag na ina, kaya hindi mo ipagdadamot yun kay Gab" mas lalong nag-unahan ang mga luha sa pagtakas mula sa mga mata ni Jack sa narinig mula kay Lola Berta, hindi siya makapaniwalang nagawang sabihin iyon ni Maureen.
"Alam mo, hanggang-hanga ako sa'yo apo, ang lawak ng pananaw mo sa buhay. Ang tatag mo, ikaw na ang nagsilbing ama at ina ni Gab kahit na ikaw mismo, wala kang matatawag na sariling ama at ina. Hangang-hanga ako sa tatag mo, kaya sa'yo ako kumukuha ng lakas eh"
Mas lalong nanlumo si Jack. Hindi niya alam kung may magagawa pa ba siyang maganda para mapatawad ni Maureen. Napakalayo niya kay Maureen, samantalang siya eh sa simpleng bagay lang na hindi makuha ay kaagad na nagtatanim ng poot sa ina.
"Kaya mong pagsabayin lahat, ang pag-aaral, ang pagtatrabaho para may pantustos tayo, ang pagiging mabuting mama ni Gab at ang pagiging masunuring apo ko" nakangiting dugtong ni Lola Berta.
(Samantalang ako, abot-kamay ko lang lahat, ni hindi ko na kailangan pagpaguran at paghirapan, ngunit hindi ko man lang magawang magpasalamat sa aking ina, ni hindi man lang ako marunong makuntento) bulyaw ni Jack sa isip niya, tama nga si Maureen, hindi niya pinapahalagahan kung gaano siya kaswerte.
"Kaya sana kung makakatagpo ka man ng lalaking mamahalin, sana makita niya ang nakikita namin ni Gab sa'yo at sana pahalagahan ka niya ng husto, kasi yun ang deserve mo apo"
Mas lalong naiiyak si Jack. Mas naramdaman niya ang sakit na animo'y sinasaksak ng sampung kutsilyo ang puso niya, habang inaalala ang mga masasakit an salitang nasabi niya kay Maureen, at ang mga kawalang-hiyang pangbabastus niya dito.
(Napakalaki kong hangal! Napakalaki ng kasalanan ko sa kanya, sana mapatawad niya pa din ako , kahit na alam kong walang kapatawaran ang mga kagaguhang pinagagawa ko. Hinusgahan ko siya, ni hindi ko inisip lahat ng pinagdaanan niya)
Maya-maya ay tumayo na si Lola Berta at hinaplos-haplos ang likod niya.
"Tara na, bago pa bumaha ng luha dito eh matulog na tayo", pabirong saad ni Lola Berta na naglakad na papasok at hinahayaan na muna siyang mapag-isa.
"Pumasok ka na ha at maginaw na, baka sipunin ka pa" nakatalikod na bilin nito.
"Opo la, susunod na po ko maya-maya po" sagot niya.
Huminga muna siya ng malalim at pinahiran ang mga luha niya. Pinagmasdan niya muna ang mga bituin habang napapaisip na ang dami palang hirap na napagdaanan ni Maureen.
Napagtanto niya tama eto at talaga ngang napakalaki niyang hangal para hindi mapansin na napakaswerte niya dahil may nanay siya na kayang intindihin lahat ng kalokohan niya.
--------
"Mommy, pwede po ba akong tumabi sa inyo?" ani Gab na nakatayo sa pintuan ng silid nila.
Nasa iisang silid lang sila ng bata pero nasa magkahiwalay na kama para na din may espasyo siya sa tuwing mag-aaral siya.
"Oh, bat gising ka pa?" nagtatakang tanong niya.
"Inantay ko po kayong pumasok kasi tatabi po ako sa inyo" inosenteng paliwanag neto.
"Nako, 'tong anak ko, ang lambing lambing" saad ni Jack sabay yakap kay Gab.
(Ang swerte mo Gab at napunta ka sa mommy Maureen mo, ako, ang laki ng kasalanan ko sa mommy mo. Hinusgahan ko siya, pinagpustahan at sinabihan ng kung anu-anong masasakit na salita. Napakalaki kong hangal!)
---------------------
"Sumabay na kayo sa amin" nakangiting pag-aaya ni Maureen sa mga katulong na tila nabigla sa sinabi niya na nagsitinginan pa sa mga katabi nila.
"Nako, 'wag na po sir, kakain din po kami pagkatapos po ninyo" sagot ng mayordoma nila na animo'y naguguluhan na nakangiti sa kanya.
"Mas maganda sana kung sabay tayong lahat eh, okay lang ba ma?" tanong niya sa nanay ni Jack na noo'y maaliwalas ang mukhang nakangiti sa anak niya.
"Of course hijo, ilang beses ko na nga silang inaya pero takot ata sila sa'yo" pagbibiro ni Stella.
Napangiti na lang si Maureen habang naiisip ang itsura ni Jack habang kaharap etong mga kasambahay nila.
"Upo na kayo, magagalit talaga ako kapag tinanggihan ninyo ang grasya, tsaka ang daming pagkain oh, hindi naman namin kayang ubusin lahat yan" pag-aaya ni Maureen na kaagad namang sinang-ayunan ni Stella.
"Sige na, magsi-upo na kayo" malumanay na saad neto.
Kahit na naguguluhan at tila nahihiya ay nagsisunod naman eto sa gusto nila at kaagad na nagtungo sa mesa.
"Thankyou po, maam Stella , sir Jack" sabay na tugon ng mga ito at napapangiti naman si Maureen ng makitang nagsiupo na ang mga eto.