ITHOJM CHAPTER 4🌺

2203 Words
INSIDE THAT HEART OF JACK MONTEVERDE (BOOK 1) by: TheBlackCat047 CHAPTER 4? Masayang-masaya ang bata na nagtatatakbo pa para salubungin siya. Kaagad silang pumasok at inilapag niya lahat ng bitbit niya na kaagad namang inusisa ng bata kung ano ang laman. "Wow, salamat mommy, ang dami naman pong karne neto", magiliw at excited na saad ni Gabriel na tila ba kumukutitap ang mga mata sa tuwa. (TSss, para karne lang, kawawang nilalang.) Kaagad namang lumapit si Lola Berta at nag-usisa kung ano ang dahilan ng labis na saya ni Gab na halos magtatatalon pa sa tuwa. Kaagad netong binuklat ang mga supot na dala niya. "Nako, apo, san ka na namang nangutang at napakarami naman netong binili mo", nagtatakang tugon ni Lola Berta. "Nako-", sasagot na sana siya ng bigla ulit nagsalita ang matanda. "Mabuti na lang at hindi ko pa naluto yung mga gulay at baka masayang lang", ngiting dugtong ng matanda at hindi na natapos ni Jack, na kumunot ang noo, ang sasabihin. "Opo at-" " Pero 'wag ka namang masyadong galante, baka mamaya halos hindi ka na naman makakain niyan kakatrabaho, mabayaran lang lahat ng inutang mo para dito sa luho ng anak mo", paalala ni Lola Berta sa kanya na hinaplos-haplos pa ang ulo ni Gab na hindi na maalis sa mukha ang ngiti. (Hays bwesit, ang ingay talaga, ang daming sinabi ni hindi man lang ako pinagsalita.) "Oh siya apo, magbihis ka na doon at huhugasan ko na muna itong mga dala mo", nakangiting saad ni Lola Berta sa kanya. "Ah, sige po", tipid na sagot niya na kaagad namang naging kabado ang mukha. Hindi pa din kasi siya nakakaadjust sa katawan na dinadala niya. Ang hirap gumalaw, hindi siya komportable at ang init ng mga kasuotang pangbabae para sa kanya. Pero kahit papaano ay sinisikap niya na walang makita o mahawakan na parte ng katawang dinadala niya. Kaya doble ang hirap kapag kailangan niyang maligo at lalo na ang pagbibihis. Paglabas niya ay nakita niya si Lola Berta na nag-iipon ng panggatong at uling. Na kaagad namang ngumiti ng makita siya. "Ay apo, nakita mo ba 'yung posporo natin dito? Sisindihan ko na 'to para miihaw ko na 'yang mga dala mo", ani neto na hinahagilap ang posporo. Agad naman siyang lumabas at kinuha ang bag niya. "Huwag na kayong mag-abala la, maupo na lang po kayo dito", ani niya at kinuha ang botane stove sa isang kahong malapit sa bag niya at ang mga bala neto na nasa bag niya. Kunot-noo namang lumapit ang matanda sa kanya, pati si Gab ay nakiusisa na din habang inaayus niya ang ihawan nila. Kinuha niya ang grill na kasama ng botane stove at pinatong sa nag-aapoy na stove. Kumuha siya ng mga karne at hiniwa-hiwa niya muna ng maliliit bago ilagay sa grill. Napangiti na lang siya ng tila kumislap-kislap ang mga mata ng bata na napapapalakpak pa nung marinig ang ingay ng paglapat ng karne sa grill. Kaagad namang nagsalin si Lola Berta ng kanin at mga sariwang gulay na makakain nila. "Mommy, ang ganda naman po netong ihawan, hindi na natin kelangan magsindi ng uling sa labas, at tsaka hindi po nakakadumi ng kamay", abot tengang ngiti ng bata na nakatitig sa mga karneng iniihaw niya. Mas mainam din kasi ang portable grill para sa loob na lang ng bahay sila mag-ihaw at para dretso kain na din habang mainit at bagong luto ang mga karne. "Naku, paniguradong mahal 'to, tsaka paniguradong dagdag lang sa bayarin mo lahat ng eto apo, 'yan pang para panggatong mo diyan, 'yan parang maliit na tangke, nako panigurado mahal 'yan", sambit ni Lola Berta habang inaayus ang mga pinggan nila. "Kumain na lang po kayo La (hindi din naman po kayo ang magbabayad at magmomroblema sa mga 'yan, tsaka hindi naman 'yan kamahalan) at baka maubos ni Gab lahat yan", biro ni Jack, na sa kailaliman ng isip ay gustung-gustong sagut-sagotin ang matanda, at abot tenga naman ang tawa ng bata na excited ng kumain ng inihaw. (Hays ang bungisngis pa, tsaka ang dumis-dumis naman neto kumain), sa isip niya na pilit ang ngiti habang pinagmasdan ang bata. "Aba eh kumain ka din Mawee, ikaw lang ata nagluluto diyan, hindi ka naman kumakain, sa dami ng inihaw mo lalamig na 'tong unang naluto", ani ng matanda ng mapansing hindi siya kumakain at sinisikap na maging abala ang sarili sa pagbaliktad sa mga inihaw. "Ayus lang po, kumain naman po ako kanina sa canteen, medyo napadami po nakain kong meryenda, ah 'yung mga kaklase ko kasi, kung anu-anong mga pagkain ang binibili para sa akin", palusot niya. Kahit na ang totoo ay nagsamgyup muna siya mag-isa, ayaw niya kasing makasabay ang dalawa sa pagkain. Ngunit kahit anung iwas niya, eto pa din siya ngayun, nasa mesa kasama ng maingay na matanda at ng bungisngis na bata. Kaya sinisikap niyang maging abala ang sarili sa pag-iihaw at sinasadya niya talagang damihan ang iniihaw niya para maging abala ang dalawa sa pagkain at hindi na siya mapansin. "Mommy ahhh", ani ng bata na may nakatusok na karne sa tinidor at akmang susubuan siya, bahagyang sinulyapan lang iyon ni Jack at binalik ang atensyon sa iniihaw niya, at nagkunwaring hindi niya naririnig ang bata. (Tssss, ba't ko naman tatangapin yan, mukha pa lang ng batang eto kadiri na tignan). "Naku, tanggapin mo na at baka mamaya magtatampo, iiyak bigla yan, haysss kayo talagang mag-ina, palagi na lang kayong ganyan",nakangising tugon ng matanda habang pinagmasdan sila ng bata na wala atang balak isuko ang balak netong pagsubo sa kanya sa inihaw na nasa tinidor neto. (Hayss, bwisit, ba't ba kasi hindi na lang kumain mag-isa 'tong bubwit, bakit may pasubo-subo pa 'tong nalalaman) Ngumiti muna siya. Isang alangang ngiti at sinulyapan ang matandang ngiting-ngiti ding pinagmasdan siya. "Ahhh", napipilitang pagtanggap niya sa inaalok ng anak, kahit na naiinis ay binaling niya na lang muli ang atensyon niya sa mga inihaw. "Masarap po diba, diba mommy?", nakangising tanong neto na iniyugyog pa ang mga balikat sa tuwa. Kahit na naiinis ay sinulyapan niya pa din ang bata at isang magpagkunwaring ngiti ang binigay niya dito. "Ha? Ahm oo, masarap" (lasang alikabok, ba't ba kasi hindi na lang kayong dalawa ang kumain, tsss 'tong bubwit naman, gustong-gusto mo 'tong inihaw bakit hindi mo na lang punuin 'yang bunganga mo at ng matahimik ka kahit sandali ) Pagkatapos nilang maghapunan ay iniligpit na niya ang mga ginamit nila at hinugasan. Hindi na siya pinaghugas ng pinggan ng matanda at pinapapasok na siya sa loob ng kwarto para makapagpahinga. ------------- "Maweee, gumising ka na dyan at paliguan mo na yung anak mo!", tawag ni Lola Berta na siyang labis na kinainis naman ni Jack. (Haysss badtrip naman 'tong matanda, daig pa neto ang alarm-clock, ang aga-aga, ang ingay-ingay) Kaagad na lang siyang bumangon at lumabas na ng kanyang silid, kung mamaya pa siya babangon ay mas lalo lang iingay si Lola Berta na dinaig pa ang sampung alarm clock. Paglabas niya ay nandoon na si Gab na nakangiti at nakatayo sa tapat ng pintuan ng silid niya. "Mommy, sa pool po ako maliligo ah?", excited na saad ni Gab. (Luh, feeling naman may pool, eh ang pangit nga ng cr nyo, ang hanep ng tama ng batang 'to) "O, sge, mauna ka na", malumanay at nakangiting puno ng pagkukunwaring sagot niya. Kaagad namang nagtatatakbo palabas si Gab at nagtungo sa may halamanan at walang kagana-ganang sinundan niya eto. "Mommy, dito po, punuin po natin ng tubig", tuwang-tuwang tawag ni Gab sa kanya sabay turo sa plangganang pagliliguan neto. (Hays planggana lang pala yung pool niya? Kala ko naman saang pool siya pupunta) ---------------------- *knock! *knock! "Sir, nakahanda na po yung pagkain niyo", tawag ng isang maid sa may pintuan, kanina pa eto pabalik-balik sa silid niya at makailang beses ng kumatok. "Ayoko kumain", maiksing sagot ni Maureen na nagtalubkong ng kumot. Naiisip niya kasi ang mga pinagsasabi sa kanya ni Jack kahapon. (Tsss? Nagpapakasasa ako sa yaman ng pamilya mo? Bakit, ginusto ko bang mangyari lahat ng 'to) Naiinis talaga siya sa tuwing maalala ang mga pinagsasabi ni Jack. Baka ang buong akala ni Jack ay nagbubuhay reyna siya ngayung nagkapalit sila ng katawan. "Nako anak", saad ng nanay ni Jack kasabay ng pagbukas ng pinto. "Ilang araw ka ng 'di kumakain, ayus ka lang ba? May masakit ba sa 'yo, Jack?", malumanay na tanong neto na kaagad na nilapitan siya. Inalis naman niya ang kumot na nakatalukbong sa kanya para harapin eto na kaagad namang hinawakan ang noo niya at hinaplos ang pisngi niya. (Ang sarap pakinggan ng boses niya, para akong hini-hele, ang lambot ng mga kamay niya, ang sarap damhin ng kanyang mga haplos at bakas sa boses at sa mukha niya ang labis na pag-aalala), sa isip ni Maureen habang pinagmasdan ang ina ni Jack. "Ahm wala po, ayus lang po ako, wala lang po akong gana", paliwanag niya. "Pinaluto ko na lahat ng paborito mo, gusto mo ba sa labas tayo kumain? Tatawagan ko yung paborito mong restaurant", pangungumbinsi neto na animo'y gagawin ang lahat para kumain lang siya. (Ang swerte naman ni Jack sa kanya, bakit hindi siya nagmana ng ugali sa nanay niya? Kahit katiting na kabaitan eh ayaw ata kumapit sa kaluluwa nun'. Haysss, kung ako lang sana ang may ina na kasing bait ni Maam Stella), sa isip ni Maureen na tila naaawa sa nanay ni Jack at animo'y nalulungkot dahil hindi niya pa nararanasan na may isang ina na mag-aalala din ng ganito para sa kanya. "Gusto mo magpadeliver na lang tayo dito? Tell me hijo, hindi pupwede 'yang magkukulong ka lang dito ng hindi kumakain", dugtong neto na bakas sa mukha ang labis-labis na pag-aalala. Nakokonsensya si Maureen. Hindi niya matitiis na may pinag-aalala siyang tao. Magiging mabuti siyang anak para sa ina ni Jack, para kahit papaano eh maranasan din netong magkaroon ng mabuting anak kahit na pansamantala lang. "Ahm, wag na po, kakain na po ako maya-maya, may hihilamos lang po muna ako saglit", tugon ni Maureen, at pansin niya ang pagngiti naman ni Stella na animo'y nakahinga ng maluwag. (Hayss, mas lalo siyang gumaganda kapag ngumingiti, simula po ngayun, lagi ko na po kayong pangingitiin, pero kailangan ko munang makasiguro na tinatrato ng maayus ni Jack ang lola at ang anak ko) "Ahm mommy, pwede ko po bang mahiram yung kotse?", tanung niya sa mama ni Jack. "Of course hijo, sa'yo naman yun, tinapon na namin yung oldcar mo, baka makapahamak pa, at baka mapahamak ka pa ulit, pasensya ka na kung hindi ko naibigay agad 'yung kotseng hinihingi mo ha, hindi mo na kailangan magpaaalam, sa'yo naman 'yun, ang totoo niyan, binili ko naman 'yan kaagad kaso hindi ka na umuuwi dito. Ahm may pupuntahan ka ba? May pera na din dun sa drawer sa kotse mo kung sakaling wala kang dalang cash", mahinahong saad neto na mas lalong nagpaantig sa puso ni Maureen. (Hindi siya umuuwi? Naglayas siya? Dahil lang sa kotse?), napailing-iling na lang si Maureen. Talagang hindi alam ni Jack kung gaanu eto kaswerte at kamahal ng kanyang ina. "Salamat po", maikling sagot niya, hindi niya kasi alam kung ano pa ang salitang madudugtong niya para mapagaan ang loob ni Stella. ------------------ "Aba, napakagwapong binata naman neto, umupo ka muna dyan hijo ah, saglit lang pinapaliguan pa ni Mawee yung anak niya", pag-aasikaso ni Lola Berta sa kanya. Namimiss na niya ang lola niya, namimiss niyang makita ang mga ngiti neto na kagaad gumuguhit sa mga labi neto kahit sa mga simpleng bagay lang, gustong-gusto niya itong yakapin, pati na din ang anak niya. "Ahm, eto po, may dala po akong makakain", nakangiting sagot ni Maureen at inaabot ang mga pinamili niya. "Nako, nag-abala ka pa hijo at napakarami naman neto, saglit lang ah at ipagtitimpla kita ng juice", saad ni Lola Berta na tuwang-tuwang nagtungo sa kusina. "Nako, 'wag na po kayong mag-abala, ahm san po ba sila naliligo?", tanong niya, kahit na alam naman niya kung saan niya pinapaliguan si Gab. "Ay dun sa may likuran hijo, sa may halamanan, dyan gustung-gusto ni Gab maligo", nakangiting tugon naman ni Lola Berta na tinuro pa ang direksyon. Ngumiti naman si Maureen at kaagad na nagpunta sa halamanan. Miss na miss na niya ang anak at kuntento na siyang makitang masaya eto at hindi sinasaktan ni Jack. Napangiti siya ng makita niyang naghahabulan at nagbabasaan ng b***l-barilang tubig si Jack at ang anak niya. (Ang sarap pakinggan ng munting halakhak mo anak, mabuti naman at kahit papaano ay nagkakasundo kayo) Tumatakbo papunta sa kanya ang bata na nakangiti. "Sir, kaibigan po ba kayo ni mommy? Sali po kayo", nakangising saad neto sa kanya at inabot ang dala netong laruan. Natulala siya saglit at gustong-gustong yakapin ang anak, at hindi na niya namamalayang nabasa na pala siya ng pagtulungan siyang barilin ng dalawa. Nakipaglaro na din siya at masayang nakipaglaro at nakipaghabulan sa dalawa. Doon na din siya kumain dahil ayaw siyang paalisin ng matanda ng hindi kumakain, kaya sabay-sabay na silang naghapunan, inihaw nila yung karneng dala niya, gustung-gusto ni Gab ng inihaw na nagkikislapan pa ang mga mata sa tuwa sa bawat subo. Napangiti naman si Maureen ng pagmasdan ang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD