Chapter 11: Going Home

1436 Words
Neo's POV Hindi na nga bumalik pa kinagabihan si Ashari. Siguro nga ay nagtampo iyon sa pagsigaw ko sa kanya kanina. Wala naman kasi siya sa lugar magpanggap na hindi namamansin eh! Tuloy akala ko totoo! Minsan napapaisip ako kung author pa ba siya o balak niya ring mag artista. Hanep umacting eh (-.-) "Breakfast na Sir. Neo." bungad ni Luna saka inilapit sa akin ang almusal ko. "Ito yung gatas mo ah, lagay ko na muna rito." sabi niya saka ipinatong ang baso ng gatas sa may drawer. Tahimik ko lang na kinakain ang dala niyang almusal sa akin. Sunny side up egg saka dalawang sausage ang ulam ko. Umupo si Luna sa madalas niyang pwesto sa kanang bahagi sa gilid ng kama ko. "Nagkausap na ba ulit kayo ng ate mo?" tanong niya "Hindi pa nga eh. Hindi na siya bumalik kagabi saka hindi rin siya tumatawag. Siguro nagtampo talaga yun sa akin." sagot ko. "Hayaan mo na muna. Hindi ka naman siguro matitiis non." "Sana nga." tipid lang na sagot ko Mabilis ko nalang na tinapos ang pagkain ko kaya nagpaalam na rin lumabas si Luna. "Babalik nalang ako mamaya. Mag pahinga ka na muna." tumango nalang ako bilang tugon Hindi mawala sa isip ko si Ate. Ano kayang pwede kong gawin para mawala yung inis nun sakin? Pupunta kaya siya ulit dito? Sina Mom at Dad hindi na nakabalik ulit kasi may business trip sa Singapore. Si kuya naman malay ko kung ano na nangyari don. Dinampot ko ang phone ko saka nagkulikulikot ng kung anu-ano. Napadpad ako sa Settings at nakita ko ang Private Safe dito. Naalala kong dito ko pala itinatago yung mga epic pictures ni ate noon. Binuksan ko ito pero may hinihingi itong pattern. Pilit kong inalala kung ano bang pattern ang ginamit ko rito. Ilang beses ko pang sinubukan hanggang sa napangisi nalang ako nang mabuksan ito. Pero agad ring napawi ang ngisi ko ng makita ang laman ng photos sa private safe ko. Pinindot ko ang isa sa mga litrato na narito saka pinagmasdan ito. Dahan dahan kong inilapat ang kamay ko sa screen ng phone ko at pinasadahan ng mga daliri ko ang kabuuan ng mukha ng babaeng nasa litrato. Those brown eyes, namiss ko ang mga matang ito. Napunta ang tingin ko sa mga labi ng babaeng nasa litrato. Maliit ito at buhay na buhay ang natural na kulay nito. Muli ko pang pinagmasdaan ang kabuuan ng kanyang mukha hanggang sa tuluyan na ngang tumulo ang mga luha sa aking mga mata. "Adrastea...." sambit ko sa pangalan ng taong------ "BROOO!! Did you miss me?" napalingon ako sa direksyon ng pintuan at nakita ko nga si kuya na komportableng naglalakad patungo sa direksyon ko. Dali dali kong itinago ang phone ko at pasimpleng pinunasan ang luha ko "Sir Neo. Nakasabay ko siya sa Elevator pa akyat rito. Eto nga pala ang vitamins mo inumin mo muna." kasunod naman ni kuya si Luna saka inabot nga sa akin ang vitamins ko. "Ang swerte mo sa nurse mo Neo. Dapat lang maging mabait ka sa kanya." pang aasar ni kuya. "Sana ako rin maalagaan mo nurse Luna noh?" dagdag niya pa. Napatingin naman ako kay Luna saka inabot pabalik sa kanya ang ininuman kong baso. "Depende kung magpapasagasa ka rin saka mako commatose, ipakiusap mo rin sa kapatid mo na ako ulit yung kuning private nurse para sayo." walang alinlangang sagot ni Luna kay kuya. "Pfftt." pagpipigil ko ng tawa. Sinamaan naman ako agad ng tingin ni Kuya. Kinindatan naman ako ni Luna "I like that way Nurse Luna." ganti naman sa kanya ni Kuya. Hindi ko alam pero bigla akong nainis sa tagpong iyon lalo na ng mapansin ko kung paano tumingin si Kuya kay Luna "Ahhmm Luna, iwan mo na muna kami ni Kuya. Salamat." sabi ko Lumabas na rin si Luna matapos kong sabihin yun. Sinabi niya rin na mamayang Lunch nalang siya babalik. "Ba't mo pinaalis bro? Dumadamoves pa nga ko eh. Don't tell me trip mo na rin nurse mo ah. Kala ko ba inis ka sa kanya. Ano nilunok mo na lahat ng sinabi mo noon? Bro hahahah apat na araw ka palang rito nagbago na isip mo? Hahhaha." "Hell no kuya. Kung trip mo siya, wag sa harap ko ok? Saka di kayo bagay." "Wow! So sino yung bagay? Kayo? Hahaha baka mamaya hindi na ko magtaka kung magkatuluyan kayo ah." pangaasar niya pa "Tumigil ka na nga. Problema ko ngayon yung kapatid mo. Nagtatampo yata." pag iiba ko ng usapan "Sino si Ashari?" "May iba pa ba tayong kapatid?" sarkastiko kong tanong. Napabuntong hininga nalang siya at halatang nagpipigil ng tawa. "Ano na namang problema niyo ni Ashari?" tanong niya "Inasar ko rin kasi siya gaya ni Luna. Ewan ko ba dun, ang sabi naman ni Luna hindi naman talaga siya nagalit sa asar ko pero kasi nagkasagutan kami. Nasigawan ko pa." kwento ko. Rinig ko namang napabuntong hininga si Kuya "I see, nakwento na rin sa akin ni Ashari." napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya. "Ano? Alam mo pala ba't nagtatanong ka pa?!" asar kong tanong sa kanya. Itinaas naman niya ang dalawang kamay niya at umastang sumusuko na. "Teka, easy lang, tinitingnan ko lang naman kung pareho kayo ng ikukuwento sakin eh. Saka hindi ako yung kalaban mo ok?" inismiran ko na lang siya. Akala ko pa naman at makakatulong siya sa akin. (-_-) "Ewan ko sayo." masungit na sagot ko "Alam mo? Imbes na sungitan mo ko, bakit hindi ka nalang maghanda ng maliit na sorpresa kay Ashari? Alam mo naman yung babaeng yun, mahilig sa sorpresa. Mamayang gabi pupunta siya rito, may pinuntahan lang siya ngayon kasama yung kaibigan niya. Kahit bigyan mo lang siya ng maliit na regalo, matutuwa na yun basta galing sayo. Parang hindi mo naman kabisado ang kambal mo." napaisip ako sa ipinayong iyon ni kuya. "Luna, can you do me a favor?" tanong ko kay Luna matapos niyang ihain sa akin ang Lunch ko. Pagkaalis ni kuya kanina ay nagisip akong mabuti kung ano ang ireregalo ko kay ate. Malaking tulong yung ideyang nasabi sa akin ni kuya kanina. Sana nga magustuhan ni Ashari. "Ano yun Sir. Neo?" napangiti naman ako dahil siguradong matutulungan ako ni Luna. "May ipapabili sana ako sayo." >>>>>>>>>>>>> Hinihintay ko nalang dumating ngayon si Ate. Mabilis lang nakahanap si Luna ng pinabili ko sa kanya. Malaking tulong si Luna dahil hindi ko naman magagawang lumabas rito para lamang bumili ng regalo. Salamat dahil nariyan si Luna. Pinapangako ko na sa oras na magkabati kami ni Ate ay magiging mabait na ko kay Luna. (^.^) *Blag* Napatingin ako sa gawing pinto nang malakas itong magsara. Doon ko nakita ang nakatayong si Ashari at diretsong nakatingin sa akin Nakakatakot naman siya(._.) "A-ate, sorry na." sabi ko habang nakayuko "Aray! Ate naman nag sosorry na nga eh! Ba't mo pa ko binatukan?" reklamo ko "Nakakainis ka eh! Kagigising mo lang sinigaw sigawan mo na ko!" sigaw niya. Pero hindi naman siya galit na galit. Para lang siyang nakikipag away sa batang maliit.(-.-) "Sino ba kasi nagsabi sayo na magpanggap kang galet? Edi nagkatotoo tuloy. Psh!" ganti ko. Sinamaan niya naman ako ng tingin at hindi na muli pang nagsalita. Nakaramdam naman ako ng guilt. Ano ba naman yan Neo! Akala ko ba makikipagbati ka na!? Kala ko rin.(._.) "S-sorry na. Ulet." pagbasag ko ng katahimikan. "Ikaw kasi e--ayy mali--ako, ako kasi eh. Nainis ako sayo kaya n-nasigawan kita, kayo ni Luna, nasigawan ko kayo. Sorry." pagpapatuloy ko Matagal niya pa akong tiningnan bago siya sumagot "Oo na, basta ba wag mo na uulitin yun. Kung hindi puputulin ko na yang dila mo!" pagbabanta niya pa pero mas lalong lumawak ang ngiti ko. "Oo naman. Sorry, peace na tayo?" painosenteng tanong ko. Tumango naman siya Iniaabot ko sa kanya ang dalawang braso ko na niyayaya siya yumakap. Unti-unti naman siyang lumapit at nang tuluyan na kaming magkalapit ay ikinabit ko na sa kanya ang kwintas na regalo ko sa kanya. Naramdaman niya naman ito kaya humiwalay siya sa yakap. Hinawakan at pinagmasdan niya ang kwintas, simpleng hugis puso lamang ang disenyo nito pero lumilitaw ang kagandahan ng kasimplehan nito. Magandang ngiti naman ang sumalubong sa akin mula kay ate. "Regalo mo 'to?" tanong niya. "Ang ganda." dagdag niya pa "Bagay sayo ate." sabi ko "Thank you twin." sagot niya saka muking yumakap sa akin "Pero ako rin may sorpresa sayo!" agad akong humiwalay sa yakap nang dahil sa narinig "Sorpresa? Ano yun ate?" excited na tanong ko "Makakauwi ka na Neo! You're Going home!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD