Neo's POV
"Talaga nagawa mo yun?" manghang mangha na tanong niya
"Oo naman, hindi ba halata na kaya kong magpatumba ng sampung lalaki?" pagyayabang ko saka pakita ng muscles ko sa braso.
"Kailangan ko pa bang sagutin yan?" pagiinsulto niya
"Wag na nga." nakasimangot kong sagot
"Ahahaha oh sige na ituloy mo na ano nang nangyari?" tanong niya muli saka mas lalong lumapit sa kama ko
"Ayun nga naitumba ko na silang sampu kaya umuwi na ko mga lampa naman yung mga yun eh....kaso lang....." pagpuputol ko ng kuwento
"Kaso lang ano?"
"Pagdating ko ng bahay, ako naman yung binugbog." sagot ko sabay kamot ng batok.
"Ha? hahahaha binugbog ka ng daddy mo?" tanong niya
"Hinde! Binugbog ako ng kambal ko! Nakita na naman niya kasi na may pasa ako eh. Ayaw na ayaw niya pa naman yun kaso hindi lang talaga ako sumusunod sa kanya. Biruin mo, lahat ng collections ko ng robot, binato niya sa akin. Halos kalahati ng bilang non nasira. Tapos lahat ng mahahawakan niya ibabato niya sa akin. Ginulo niya talaga yung kwarto ko! Pero in the end, siya parin yung gumamot sa sugat ko."
"BWAHAHHAAHAH wala ka pala sa ate mo eh hahahahaha."
"Pero alam mo, simula naman nung ginawa niya yun, hindi na ako umulit sa pakikipagaway na ako yung nagsimula, kung makikipagbigbugan man ako, yung self defense nalang." paglilinaw ko
"Atleast diba natuto ka kahit papaano. Pero astig talaga ate mo eh, tiklop ka hhahahahahha." tawa niya ule
Ang babaw naman ng kaligayan ng babaeng to. Kinukuwento ko kasi sa kanya yung mga kabalastugan ko noong mga panahong rebelde pa ako. Kahapon kasi ay mabilis na lang natapos yung oras namin dahil kailangan ko ng matulog matapos naming dalawa manuod ng larva. Kaya ngayon, medyo nakapagpalagayan ko na ng loob ang walking bunganga na ang pangalan ay Luna kaya nakipagkuwentuhan ako sa kanya.
Pinagmasdan ko lang siya habang tumatawa. Ganon ba talaga nakakatawa ang matiklop pag dating sa kapatid na babae? Ang saya naman niya masyado.
(-_-)
Pinasadahan ko siya ng tingin, maganda nga si Luna. Natural na mahahaba ang pilikmata niya. Maputi ang balat niya at itim na itim ang mahaba niyang buhok. Napansin ko rin ang itim na itim na kulay ng mata niya, bumagay yun sa makapal niyang kilay. Hindi ko naman masabi kung anong natural na kulay ng labi niya dahil nakasuot ito na lipstick. Pero manipis na make up lang ang ginagamit niya, hindi naman kasi required ang make up rito sa ospital.
*tok tok tok*
Napatigil sa pagtawa si Luna dahil sa may kumatok. Bumukas rin naman ang pinto at iniluwa nito ang isa pang nurse.
"Ahm, excuse me Nurse Luna? Pinapatawag po kayo ni Doc." sabi nito
"Sige susunod na ako." sagot niya rito.
"Oh pano ba yan, Sir Neo, alis na muna ko ah. Balik nalang ako mamayang lunch." Sabi niya sabay kindat
(-.-)
Sa ngayon natututunan ko ng pakisamahan ang babaeng to. Sana naman kahit papaano eh masurvive ko ang isang buwan ko pang lalagiin sa ospital na to. Tatlong araw palang ako rito pero pakiramdam ko tatlong buwan na. Maipagpapasalamat ko parin naman pala na may kasama akong baliw rito. Atleast hindi boring (^_^)
Namiss ko tuloy bigla si Ashari.....
.....teka nga......pupunta daw ngayon un ahhh..
"TWEEEEEEEENNNNN!!!" awtomatiko akong napilingon sa pinanggagalingan ng sigaw na iyon. At naroon nga ang kambal ko na nakatayo at nakanganga pa. Naka bukas rin ang dalawa niyang kamay at hamdang handa na siyang yumakap.
Muntanga lang (-_-)
Tumakbo siya palapit sa akin saka ako ginawaran ng sooooobrang higpit na yakap
"Whaaaaa ate ano ba hindi ako makahinga aahhhh." reklamo ko sa kanya
Napabitaw naman siya bigla saka hinawakan ang magkabilang balikat ko
"Oh my God! I miss you Neo Matt, I miss your voice, I miss that gray eyes, I miss you calling me ate at himala at tinawag mo kong ate even though I'm not reminding you. Grabe you've been slept for almost 6 months, did you miss me? Of course I'm sure. Kamusta? May masakit ba sayo ano? Hindi ka naman nagkaroon ng amnesia diba? Natatandaan mo pa ba yung mga kalokohan mo? Naku subuksubukan mo lang talaga na bumalik pa sa pagiging rebelde ako na mismo sasagasa sayo. Ano sina Mommy nakausap mo na? Si Kuya hanggang kailan ka pa tatagal dito? May kailangan pa bang iexamine sayo yung mga doktor? Hindi ka pa ba makakauwi? Kai-------"
"ATE, ATE!! Enough! Okay na ako! okay na okay. Grabe hindi ka parin nagbabago! Wala paring preno yang bibig mo!Magpamisa ka nalang kaya! At isa pa! Hindi kita namiss!!!" pagputol ko sa mahaaaaaaabang sinasabi niya. Mahirap na baka abutin pa kami ng susunod na taon.(-_-)
"Edi hindi!"
"Arayyy!! Ang sakit non ate ba't mo ginawa yun?! Ano bang laman ng bag mo? Semento?! Ba't ang bigat!?" reklamo ko nang ibagsak niya sa dibdib ko ang bag na hawak niya. Sapo-sapo ko ang dibdib ko habang namimilipit sa sakit!
"You deserve it!! Hindi mo ko namiss diba?!" pabalang na sagot niya
Namimilipit parin ako sa sakit at hawak hawak ko parin ang dibdib ko
"For Pete's sake Ashari! My body is still recovering yet you let your heavy bag land on my chest?! How could you?!" sigaw ko sa kanya
"Oh my God! I'm sorry!! Wait does it really hurt?" Pang uusisa niya at tuluyan ng umupo sa gilid na kama ko para alalayan ako.
"And you still have manners to ask?!" sigaw ko ulit sa kanya
"Sorry na nga eh." mangiyak ngiyak na sabi niya
"Awwww.." atungal ko pa dahil sa sobrang sakit
"Huhu twin sorry na nga should I call your nurse?"
"Wait. Can I ask you something?" pagpigil ko sa kanya
"What is it?" may pag aalalang tanong niya
"Pasado na ba acting skills ko?" medyo natigilan pa siya bago niya magets yung sinabi ko.
"Buwiset ka!!" sigaw niya sabay hampas sa mukha ako
"Aray!! nakakarami ka na ah!!" reklamo ko ulit
"Ikaw naman kasi eh!! Pina kaba mo ko!! Akala ko totoo na!" nakasimangot na sagot niya
"Hahaha sorry na. So ano pasado ba? pwede na ba akong bumida sa mga story mo ha? ha?" pang aasar ko sa kanya
"Oo nalang! Ang ganda ng welcome mo sakin noh?" saad niya habang nangliliit pa ang mga mata tanda ng pagiging sarkastiko
"Eh ikaw nga eh! Binagsakan mo ko ng bag sa dibdib! Masakit rin yun ah! ano ba kasi laman niyan? Ang liit liit pero ang bigat!" naiinis na tanong ko
Kinuha niya yung bag niya saka pinakita sa akin ang mga laman.
Libro?
"Libro? Ito yung mga isinulat mo? Ano yan souvenir?" tanong ko.
"Hindi to souvenir ano ka ba! I will give it to a friend. She's my fan kaya naisipan ko na dalhan siya ng libro as a gift. In fact, I hire her as your private nurse. Asan nga pala siya?" gulat akong napatingin kay ate dahil sa huling sinabi niya
"Ayon?! Yung babaeng yon fan mo? Hah?! Sabagay hindi na ako magtataka! Parehong pareho kayo ng ugale!"
"Anong ugali naman ang pinagkapareho namin aber?!" tanong niya saka namewang
"Pareho kayong maingay! Para kayong kaldero na laging pinaguumpog! Parang busina na laging pinipindot!! Pareho kayong Walking bunganga!!"
"What?! Walking bunganga?! Ano namang nasinghot mo at naisip mo yang ganyang term?! Gusto mong silaban kita ng buhay?!"
"At pareho rin kayong brutal!!" dagdag ko pa
"Walking bunganga pala ah." pumantig naman ang tenga ko nang marinig ang boses na yun. Pagtingin ko sa likod ay nakita ko nga si Luna na may hawak hawak na tray.
Inilapag niya naman ito sa may drawer saka hinarap kami ni ate.
"Good afternoon Ms. Ashari. I'm happy to see you again." bati niya kay ate
"I'm more than happy too Luna. Saka how many times do I have to tell you na Ash nalang ang itawag mo sa akin. We're friends na diba?" sagot sa kanya ni ate
Hindi naman umimik si Luna sa kanya bagkus ay sinamaan lang ako nito ng tingin. Napansin naman iyon ni Ate. Akala ko ay sisitahin niya iyon pero napagtanto kong mali ako dahil sa sumunod niyang sinabi
"And we will fight against my twin. Karerin natin yung pagiging walking bunganga na sinasabi niya. Hmmpp!!"
(O_o)
And these walking bunganga's Reunite
(._.)