Neo's POV "Neo Matt--Oh? Anong ginagawa mo?" hindi na ako nagulat nang pumasok nang walang pasabi ang kambal ko dito sa kwarto ko "Naghahanap ako ng magandang University para matuloy ko yung studies ko." sagot ko "Ahh maganda yan." "Mm. Sayang din kasi yung taon para matuloy ko yung course ko." "Ahhh...pero bakit naghahanap ka pa ng university? Dun sa dati nating school? Maayos naman dun ah." sabi niya "Para maiba naman." sagot ko pero ang totoo....marami kasi kaming alaala ni Adrastea doon. "Ahh. Pagpatuloy mo lang yan. Para naman hindi marealize ni Luna na nagjowa siya ng palamunin." (-_-) "Ano bang pinunta mo dito ha?!" "Oh easy nagbibiro lang ako eh. Manghihiram lang sana ako ng lapis." "Manghihiram lang pala dami pang sinasabi." bulong ko "Ha? May sinasabi ka?" "Wala.

