_Belleyel's POV_ "WHERE are we going?" Hindi ko alam kung pang-ilan beses ko na ba itong tanong kay Icell. Pagkatapos na pagkatapos kasi akong walang-sawa na inangkin ng lalaking ito ay bigla na lamang ito may naalala kuno. Ngunit ayaw niya talagang sabihin kung saan kami papunta, ang layo na nga yata ng pinuntahan namin, sumakay pa nga kami kanina sa isang helikoptor at ngayon ay nagmamaneho na siya gamit ang kanyang kotse. "You'll see," At iyan na naman ang lagi niyang sagot sa aking tanong. "Wala ka naman yatang balak na kidnapin ako ulit diba?" He laughed softly, squeezing my hand that he held with his, he raised our intertwined hands and kissed it softly. "Nah, since I know how much you missed me. I'am content enough that you will not try to leave me again." Sinimangotan ko si

