-Belleyel- Magkayakap kaming nakatulog. We just cuddled each other and sleep together without thinking of anything lustful. This is the moment which you can wish that it will last forever. Ang sarap sa pakiramdam at kahit ganito lang ang gawin namin araw-araw ay kontento na ako. "Ugh..." Nagising ako sa ungol ni Icell. Kumunot ang noo ko at dinilat ang aking mata at tinignan kung okay pa ba siya o kaya naman may hindi magandang nangyayari na sa kanya. "Icell?" Tawag ko sa pangalan niya. Nakalagay ang ulo nito sa aking dibdib habang yakap-yakap ako ng mahigpit sa aking beywang na parang nasasaktan ito sa kung anong bagay at humihingi siya ng suporta sa akin. Ramdam ko rin ang balat niyang napaka-init na tumatagos sa aking suot. "Belle, don't leave..." Parang hinaplos ang aking buong p

