AMIRAH'S POV: Hindi ko alam kung nasaan na ba ako ngayon at nakikiramdam lamang ako sa aking paligid. Baka kasi mamaya ay hawak pa din ako ng mga tauhan ni Loyda. Ramdam ko ang sa aking kinaroroonan ngayon. Bahagya ko na iminulat ang aking isang mata at nakita ko ang isang babae na nakahiga sa sofa at sa aking gilid naman ay may isang lalaki din. Nang masigurado kong tulog sila ay iminulat ko na ng tuluyan ang aking mga mata. Nasa loob ako ng isang kwarto na maraming mga kung anu-anong machine at hindi ko alam kung para saan ang mga ito. Iginalaw ko ang aking mga daliri para maramdaman ko ang mga ito at kinapa ko din ang aking sugat na natamo ko mula sa tama ng baril. May benda na ito at ng aking kapain. Bigla naman na dumilat ang lalaking nasa aking tabi at nagtama ang aming mga

