Pagkatapos namin na kumain ni Xandro ay naisipan kong magtanong dito tungkol sa sinasabi ng mommy nito na gusto n'yang umalis kaming dalawa ni Xandro para mag-enjoy. "Xandro,aalis ba talaga tayo?" Tanong ko pa dito. "Yes, Amirah aalis tayo bukas na bukas din at dalawang araw tayong mawawala kaya naman be ready okay." Sagot nito sa akin. "H'wag kang mag-alala dahil walang Loyda na manggugulo sa atin sa pupuntahan natin." Sabi pa nito na mukhang nabasa na na nito ang nilalaman ng isipan ko na inaalala na baka biglang susulpot na lamang ang babaeng iyon at ipapahiya ako. "Okay lang din naman kung ayaw mong lumabas dito sa mansyon. Maiintindihan ko naman." Sabi pa ni Xandro na may paawa effect pa para siguro mapilitan akong sumama sa kan'ya. "Sasama Ako."Sabi ko at parang kuminang pa ang

