"Sir h'wag ka naman masyadong magpabigat." Sabi ko habang naglalakad kami ngayon papunta sa kwarto nito sa itaas at nahihiya ako dahil mabigat ito at pasuray-suray pa kami ngayon na naglalakad dito sa hagdan. "Dapat pala ay nagpatulong na ako dun sa dalawang kaibigan mo kanina na iakyat ka." Kausap ko pa dito. Halos kalahating oras na ata ang lumipas bago pa kami nakarating sa itaas. "Sir malapit na tayo kaya please lang po umayos ka." Pakiusap ko pa dito pero tanging tango lamang ang sagot nito sa akin. Hanggang sa makarating kami sa kwarto nito na mabuti na lamang at nabuksan ko din agad. Ibinagsak ko na ito sa kama n'ya dahil ang sakit na na ng balikat ko dahil sa bigat nito para akong bumubuhat ng dalawang sako ng bigas sa kan'ya. "Sir aalisan ko na po kayo ng sapatos." Paalam ko

