Maaga akong gumising ngayon,dahil ito ang unang araw ko sa kompanya at nakakahiya naman kay Lola kung male-late ako sa unang araw ko pa lamang. Excited ako sa trabaho na ibinigay sa akin ni Lola. Pagkatapos kong makaligo ay agad na akong nagbihis ng isa sa mga formal attire na ang iba ay ipinatahi pa ni Lola. Napili ko ang simple white skirt na pinatunan ko na blazer. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin at nagustuhan ko naman ang suot ko na bagay naman sa akin. Medyo sexy nga lang ang datingan nito. Pero kaya ko naman dalhin. "Ready ka na ba self?" Tanong ko pa sa aking sarili. "Kakayanin mo ito, fighting!" Sagot ko din na para akong baliw na kinakausap na naman ang aking sarili. Lumabas na ako ng kwarto at si Baby Yeira ay nasa kan'yang room na din ngayon. Tapos na kasing ayu

