"Habulin n'yo ang babae!" Dinig kong sigaw ng leader ng grupo na inutusan ni Loyda para kidnapin ako. Hindi pa ako masyadong nakakalayo kaya naman kahit hirap ay mas binilisan ko ang aking mga hakbang Hawak ko ang aking tagiliran ngayon,dahil tinamaan ako ng bala na galing sa lalaking gustong mauna na gahasin ako,pero mabuti na lamang at nilakasan ko ang aking loob at bago pa n'ya magawa ang malagim na balak sa akin ay nakakuha na ako ng maaring ihampas dito. Hanggang sa maaninag ko ang isang kotse na paparating,mas binilisan ko ang aking lakad,kahit pakiramdam ko ngayon ay parang matutumba na ako sa panghihina. Marami na ang dugo na nawala sa akin at sana ay may mabuting puso ang may-ari ng kotseng ito. Hanggang sa maramdaman ko na lamang na pipikit na talaga ang aking mga mata. Bumag

