ONE MONTH LATER Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon ay nakahanda na ang mga basket na idedeliver ng aking asawa at ni aling Lagring kaya lamang ay hindi pala masasamahan ni aling Lagring si Yzmael dahil katulad ko ay may tinatrangkaso din pala ito. "Kaya mo ba talaga na dalhin ang lahat ng ito?' Tanong ko pa sa aking asawa dahil baka mamaya ay mahirapan lamang s'ya at isa pa at ito ang unang beses ba hindi nito kasama si aling Lagring sa pagdedeliver.Gustuhin ko man na samahan ito ay hindi ko din kaya dahil parang anytime ay babagsak ako kapag tumatayo. "Oo naman Asawa ko kayang kaya at isa pa ay kailangan na daw ito ng mga kliyente kaya naman hindi na maaring idelayed." Sagot nito sa akin. "Sige makikibalita na lamang ako kay Aling Lagring kapag nagkita na kayo ng mga customer

